10/08/2026
Ang Tunay na Tagumpay
Mateo 19:20-24(For context: Read Matthew 19:16-26)
Lumapit kay Hesus ang isang mayamang binata at nagtanong kung ano ang kailangan niyang gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sinabi niyang nasunod na niya ang mga utos mula pa sa kanyang kabataan,
kaya nagtanong siya: “Ano pa ang kulang sa akin?”
Sa paningin ng tao, parang nasa kanya na ang lahat.
Mayaman siya, moral, at relihiyoso.
Pero sinabi ni Hesus: “Ipagbili mo ang iyong mga pagaari... at pumarito ka, sumunod ka sa akin.”
Umalis siyang malungkot dahil marami siyang pag-aari.
Lilinawin ko lang mga Koys. Hindi masama ang pagiging mayaman. Ang problema ay kapag naging mas mahalaga sa atin ang kayamanan kaysa kay Cristo.
Dito natin makikita ang pagkakaiba ng tagumpay na iniaalok ng mundo at ng tagumpay na nais ng Diyos.
Sinasabi ng mundo: “Magkaroon ka ng maraming pera, magandang career, mataas na posisyon, pangalan at influence.”
Well, walang masama sa mga bagay na iyon.
Pero hindi sila ang sukatan ng tunay na tagumpay.
Maaaring marami kang pera pero malayo ka sa Diyos. Maaaring mataas ang posisyon mo pero puno ng pride. Maaaring marami kang naabot pero unti-unti ka namang lumalayo kay Cristo.
Hindi lahat ng mukhang tagumpay sa mundo ay tunay na tagumpay sa paningin ng Diyos.
Minsan, tinatawag tayong bigo o talunan dahil naghihintay tayo, may mga pintong nagsasara, o may mga bagay tayong kailangang isuko.
Pero maaaring ginagamit iyon ng Diyos upang turuan tayong magtiwala, sumunod, at umasa sa Kanya.
At sa mga lowest point ng buhay natin, sa mga humbling days at mga waiting seasons, doon natin mas nakikita ang pagkilos Niya. What a privilege.
Hallelujah!
Kaya tandaan natin, mga Koys!
Hubad tayong dumating sa mundong ito, at hubad din natin itong lilisanin.
Kaya piliin nating mabuti kung saang klaseng tagumpay ang hahabulin natin!🫡