Bagamundo Press

Bagamundo Press tagapaglimbag sa ganang-kaya

BP SA SUNUAN | Ilang tagpo mula sa naging paglalatag at pagtitinda ng Bagamundo Press sa creative writing workshop na pi...
21/09/2026

BP SA SUNUAN | Ilang tagpo mula sa naging paglalatag at pagtitinda ng Bagamundo Press sa creative writing workshop na pinangunahan ng unang batch ng fellows ng Dinsulan: Quezon Writers Workshop.

Maraming salamat sa lahat ng bumili, nagbasa, nakipagkuwentuhan, at nag-uwi ng mga aklat. Salamat din sa pamunuan ng Dinsulan sa pag-anyaya at sa pagbibigay ng espasyo para sa panitikan, pagsusulat, at mga bagong tinig mula sa Quezon.

Hanggang sa susunod na tagpo.

πŸ“·Don Aelar Dineros

MAY PA-SEPTEMBER SALE BUKAS ANG BAGAMUNDO PRESS!Mabibili ang mumunting mga aklat bukas sa Casa Comunidad de Tayabas, mul...
18/09/2026

MAY PA-SEPTEMBER SALE BUKAS ANG BAGAMUNDO PRESS!

Mabibili ang mumunting mga aklat bukas sa Casa Comunidad de Tayabas, mula 8AM-5PM (2nd Floor). Limitado ang bilang ng mga kopya.

Maaari ring bumisita sa venue upang makapakinig ng mga panayam hinggil sa panitikan at malikhaing pagsulat para sa mga mag-aaral ng SHS mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Pinangangasiwaan ng unang batch ng mga fellows ng Dinsulan: Quezon Writers' Workshop ang Sunuan, isang pagsasanay sa malikhaing pagsulat para sa mga mag-aaral ng sekondaryang antas.

15/09/2026

Maraming salamat din sa Isang Balangay Media Productions sa pagkakataong mapabilang sa plotilya ng mga aklat nitong nagdaang MIBF! Salamat din po sa mga nagpurchase ng BP works. πŸ”₯πŸ™πŸ“–

14/09/2026

Sa SUNUAN, hindi lang tayo magsusulat.
Magtatanong tayo. Makikinig. Magdududa.
Maghahanap ng kuwento sa pagitan ng mga bagay na madalas hindi napapansin.

At para simulan ang palihang ito, isang tinig ang magsisilbing paanyaya at gabay upang tumingin tayo nang mas malalim sa panitikan at sa mundong ating sinusulat.

✨ Kilalanin ang ating Keynote Speaker! ✨

Tubong Aritao, Nueva Vizcaya, hindi na mabilang ang nakamit na karangalan at kinikilalang iskolar, manunulat, at edukador sa larangan ng Agham Panlipunan at Panitikan ng Pilipinas. Nagawaran ng tatlong Honoris Causa sa larangan ng literatura, kasaysayan, at sining mula Theophany University sa Haiti. Nagtapos siya ng batsilyer sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at masterado sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kung saan ginawaran ng Pinakamahusay na Tesis (Antas Gradwado) para sa Gawad Antonio M. Abad ang MA tesis. Kasalukuyang Direktor ng mga sumusunod na opisina sa Manuel V. Gallego Foundation Colleges: Office of the Community Extension and Outreach Program, Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies, at Internationalization Committee. Part-time na propesor din sa Paaralang Gradwado at College of Arts ang Science ng Wesleyan University-Philippines. May-akda siya ng 26 aklat na sumasaklaw sa tula, maikling kuwento, dagli, at nobela, na nailathala sa mga prestihiyosong institusyon tulad ng University of the Philippines Press, National Commission for Culture and the Arts, at Cultural Center of the Philippines. Aktibong kasapi ng LIRA, PEN International, Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas (UMPIL), Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, at National Research Council of the Philippines (NRCP). Kasalukuyang miyembro ng Executive Committee ng National Committee on Language and Translation ng NCCA para sa taong 2026-2028. Sa ngayon ay tinatapos niya ang kanyang disertasyon sa UP-Diliman na nakatuon sa creative historiography (sa anyo ng modernong epiko) ng tribung Isinai sa Nueva Vizcaya mula 1591 hanggang 2025.

β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”

Abangan ang kanyang mensahe para sa mga batang manunulat ng SUNUAN: Palihan para sa mga Mag-aaral ng Senior High Schoolβ€”isang espasyo kung saan ang mga kuwento ay hindi lamang isinusulat, kundi hinahayaang huminga, magtanong, at maging bahagi ng mas malaking salaysay.

Sama-sama nating isiwalat ang kuwento at karanasan sang-ayon sa kultura at pamana ng Kalilayan.

Pagbati sa 9 na mga high school students mula sa iba't ibang bayan ng Quezon Province!
14/09/2026

Pagbati sa 9 na mga high school students mula sa iba't ibang bayan ng Quezon Province!

Serye ng Lundiwa | Hunyo IsyuI-scan lamang ang code kung nais magkaroon ng libreng kopya. Makabibili rin ng pisikal na k...
10/09/2026

Serye ng Lundiwa | Hunyo Isyu
I-scan lamang ang code kung nais magkaroon ng libreng kopya.
Makabibili rin ng pisikal na kopya ng mga isyu ng Lundiwa sa MIBF.

Address

Lucban

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagamundo Press posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

l="false"> Add listing
  • Login
  • Subscribe

    We will notify you when anything happens in Lucban.