Glaidyl rivarez abrea

Glaidyl rivarez abrea Sundalong taring ❤️

23/06/2024

Lalaban Ako para sa pilipinas

Hugot ni anti
23/06/2024

Hugot ni anti

Maraming beses na akong nasaktan, pero ito ang pinakamasakit. Ito ang pinakamahirap tanggapin.

Pagkatapos mo akong iwan, hindi na naging maayos ang lahat. Buong buhay ko, nagbigay ako ng tiwala. Tinalikuran ko ang mga nakita kong senyales para hindi magtiwala. Hindi ko pinansin ang mga hinalang tama naman talaga. Binalewala ko ang mga hadlang. Pinagkatiwalaan kita nang higit pa sa pagtitiwala kong maganda ang mundo kahit mapanakit ito. Sa madaling salita, buong-buo kong ibinigay ang sarili ko sa ‘yo. Naging sigurado ako kahit mabibilang lang sa daliri ang mga araw na naging sigurado ka.

Sa ganoon kita minahal. Kahit trinaydor ako ng tadhana, pinili pa rin kita. Kahit marami akong hindi nalalaman, mas pinili ko pa rin na paniwalaan ka. Sagrado para sa akin ang mga salitang “mahal kita” at dinadala ako nito sa iba’t ibang lugar kahit sa mga lugar na hindi pamilyar. Minahal at mahal pa rin kita nang sobra. Kaya siguro, nahihirapan ako ngayon na tanggapin na hindi mo piniling manatili dahil araw-araw mong ipinangako sa akin dati na ilalaban natin ang isa’t isa nang paulit-ulit. Pinanghawakan ko ang lahat ng sinabi mo. Kinapitan ko ang bawat pangarap, plano, at dasal. Pero sa dulo, mas pinili mo pa ring mang-iwan.

Iniisip ko minsan, gano’n lang ba talaga ako kadaling bitiwan? Minahal mo ba talaga ako nang lubusan? Kasi ang totoong nagmamahal, kahit maraming dahilan para sumuko, hinding-hindi niya gagawin. Kung totoong minahal mo ako, hindi mo ako ipagpapalit. Hindi mo ako babalewalain. Hindi mo ako sasaktan. Hindi mo ako tatalikuran. Hindi mo ako iiwan.

Pero nagawa mo ang lahat ng ‘yan.

Nasaan ako sa puso mo noong isinugal ko ang lahat para sa ‘yo? Nagkulang ba ako?

----
✍︎ Author ABBA / Angelika Bianca Bernardo Aquino | 2024

----
📝 𝗜’𝗠 𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡𝗦. 𝗟𝗘𝗧 𝗠𝗘 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘 𝗙𝗢𝗥 𝗬𝗢𝗨. I can write special poems, love letters, stories, speech, essays, spoken word poetry, reflection papers, and other write-ups for all events. 𝗛𝗜𝗥𝗘 𝗠𝗘. 𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘 𝗠𝗘 𝗛𝗘𝗥𝗘: https://www.facebook.com/angelikabiancab.aquino

05/06/2024

tara kape?

05/06/2024
12/05/2024

Ito na ung 2024 ? Boring 🤭

Address

Sil Mayao
Lucena

Telephone

+639551200485

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Glaidyl rivarez abrea posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Glaidyl rivarez abrea:

Share