25/09/2026
Arestado ang isang 67-anyos na lalaki sa isinagawang warrant operation ng mga awtoridad sa Barangay Kinabuhayan, Dolores, Quezon.
Sa operasyon, nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang apat na baril na may iba't ibang kalibre, mga bala, at isang magazine.
Ayon sa pulisya, bago ang operasyon ay nakatanggap sila ng mga ulat na umano’y nanunutok at nagpapaputok ng baril ang suspek sa kanilang lugar, dahilan upang magsagawa ng kaukulang aksyon ang mga awtoridad.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at inquest proceedings, habang sumasailalim naman sa pagsusuri ang mga nakumpiskang armas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente at sa posibleng iba pang paglabag na maaaring ikaso laban sa suspek.Ivia: Martin Banaag