05/02/2026
PINAGBAWALAN NG AMO NIYANG BABAE NA PUMASOK SA BASEMENT DAHIL “MAY MULTO” DAW—PERO NANG MATAPANG NA BINUKSAN NG KATULONG ANG PINTO, TUMAMBAD SA KANYA ANG INA NG KANYANG BOSS NA NAKAKADENA AT KUMAKAIN NG BASURA!
Bagong salta lang si Inday sa mansyon ng mag-asawang Sir Anton at Ma’am Stella.
Mabait si Sir Anton. Isang successful na businessman na laging busy sa trabaho. Madalas itong malungkot dahil ang alam niya, ang kanyang ina na si Doña Trinidad ay nasa America at ayaw na siyang kausapin dahil sa "galit" daw ito sa kanya.
"Hayaan mo na, Hon," laging sinasabi ni Stella kay Anton habang hinihimas ang likod nito. "Matanda na si Mama, may dementia na. Mas mabuti nang nasa nursing home siya sa States para maalagaan siya nang tama."
Pero si Stella? Iba ang ugali kapag nakatalikod si Anton. Malupit siya, matapobre, at masungit sa mga katulong.
Unang araw pa lang ni Inday, may mahigpit na bilin na si Stella.
"Inday, makinig ka," nanlilisik ang mata ni Stella habang tinuturo ang isang bakal na pinto sa ilalim ng hagdanan. "Huwag na huwag mong bubuksan ang pintuan na 'yan. Lumang bodega 'yan. Maraming daga at may nagpapakita diyan na masamang espiritu. Kapag nakita kitang lumapit diyan, tatanggalin kita agad!"
Tumango si Inday sa takot. "Opo, Ma'am."
Lumipas ang ilang buwan. Napapansin ni Inday na tuwing umaalis si Sir Anton, may dalang tirang pagkain si Stella—mga panis na kanin, buto ng manok, at lumang tinapay. Pumupunta ito sa tapat ng bakal na pinto, binubuksan nang kaunti, at inihahagis ang pagkain sa loob na parang nagpapakain ng a*o.
“Kain na, halimaw!” naririnig ni Inday na bulong ni Stella bago padabog na isara ang pinto.
Isang gabi, umalis si Stella para mag-casino kasama ang mga amiga niya. Si Sir Anton naman ay nasa business trip sa Cebu.
Habang naglilinis si Inday sa sala, nakarinig siya ng kaluskos mula sa ilalim ng hagdan.
“Tu...tubig... Tulong...”
Napatigil si Inday. Boses ng matanda. Mahina at paos na paos.
Kinabahan si Inday. Sabi ni Stella, multo daw. Pero ang boses, parang totoong tao na nahihirapan.
Dahil sa awa at kuryosidad, kumuha si Inday ng susi na naiwan ni Stella sa ibabaw ng cabinet. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang kandado ng bakal na pinto.
Creakkk...
Bumukas ang pinto. Bumungad kay Inday ang napakabahong amoy—amoy ng ihi, dumi, at nabubulok na pagkain.
Binuksan niya ang flashlight ng cellphone niya.
Nanlaki ang mata ni Inday at napatakip siya ng bibig sa gulat.
Sa isang madilim na sulok, nakaupo sa semento ang isang matandang babae. Payat na payat ito, halos buto’t balat na. Punit-punit ang damit at may kadena sa paa. Kinakain nito ang panis na tinapay na nasa sahig.
Nang itapat ni Inday ang ilaw, nakilala niya ang mukha. Ito ang babaeng nasa malaking painting sa sala.
“D-Doña Trinidad?!”
Full story in Commnets👇