10/04/2026
Ang litratong ito ay isang malinaw na salamin ng tahimik ngunit masakit na realidad na kinakaharap nating lahat ngayon. Kung dati ay siksikan at halos wala nang maupuan sa mga jeepney, ngayon ay tila nananaig ang katahimikan at ang maluluwang na espasyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Ang bawat bakanteng upuan ay sumisimbolo sa bigat na pasan ng mga tsuper na pilit na iginagapang ang pasada sa kabila ng kakarampot na kita. Sa aking biyahe, nagbayad ako ng ₱25 kahit ₱22 lang ang nararapat; maaaring maliit na bagay ito para sa atin, ngunit para sa isang tsuper na nagbibilang ng bawat sentimo pambili ng krudo at pagkain ng pamilya, ang munting sobra na ito ay malaking tulong at ginhawa na.
Sa totoo lang, lahat naman tayo nahihirapan, pero kung may sobra tayo at bukal sa ating loob, malaking bagay na ang simpleng pag-unawa at pagtulong sa maliliit na paraan.