11/08/2026
TRANSPARENCY: Milo (new rescued dog) update
Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag-update tungkol kay Milo. Napacheck-up na po namin siya noong July 28.
Sorry po at di ko kaagad nagawang magpost nung gabi dahil nabigla rin talaga kami sa mga nangyari ng araw na yun 🥹 Kasabay kasi naming ipinacheck-up si Lolo Joshua, and honestly, doon ako medyo na-overwhelm kaya po ng ko disyon ni Lolo Joshua. May tumor/cyst na nakita sa loob ng tenga ni Lolo Joshua, tapos nalaman din namin na may CKD na pala siya at mataas ang creatinine. Ang daming information na kailangang tanggapin at isipin nang sabay-sabay kaya hindi ko na rin agad na-update sa inyo ang tungkol kay Milo.
Pero bago ko ikuwento yung tungkol kay Milo, gusto ko rin pong sabihin na malaking tulong talaga yung mga naipon natin noong sinubukan kong ilapit sa inyo si Milo at humingi ng tulong para sa kanya.
Dahil doon, nagawa rin naming mapacheck-up agad si Lolo Joshua kasabay ni Milo. Hindi na namin kinailangang patagalin pa o hintayin kung kailan kami makakaluwag, dahil may naipon tayong pondo na puwedeng gamitin para sa kanilang medical needs.
Maraming maraming salamat po sa mga tumulong 🥹
About Milo po, sa hindi po nakabasa ng nauna kong post.. matagal na rin namin siyang pinapakain doon sa bilihan ng mga bultuhang gulay (malaking palengke ng mga gulay) sa tuwing bumabyahe kami. Lagi namin siyang nakikita doon and kahit hindi naman talaga namin planong dagdagan pa ang mga alaga namin, hindi rin namin siya kayang tiisin nung napansin naming parang nanlalabo na ang mata niya at nawawalan na siya ng gana kumain.
Kaya ayun… ni-rescue na rin po namin si Milo at kinupkop. 🥺 Pagk-rescue namin sa kanya ay nagawa naman po namin syamg mapacheck-up agad ngunit after two weeks nung unang mga medication nya bumalik po sya sa pagkawala ng gana sa pagkain kaya nag-alala na po kami at hiniling sa inyo na mapacheck-up ulit sya ang magpatest pa ng blood nya lalo na yung blood chem na may kamalahalan.
Pinacheck-up namin siya ulit sa tulong po ninyo na nag-ambagan po.. Nagawa po ulit na mapa-CBC and finally napa-blood chemistry na namin sya pati check-up sa balat.. yan po ang ginawa para makita kung ano ang nangyayari sa loob ng katawan niya. Then hindi na muna ni-recommend ng vet ang X-ray since ang problema po ay nakita na sa blood test.
May nakita sa results na mild anemia at mababa ang platelet count niya, kaya kailangan din siyang bantayan. May nakita rin na elevated yung ALT, ALP, at globulin, kaya sabi ng vet, mag-add na rin kami ng liver support/supplement para kay Milo. Thankfully, normal naman ang creatinine at BUN niya sa blood chemistry niya.
May mga gamot din siyang nireseta, including Doxycycline and B-complex, pati eye rinse and eye drops dahil sa concern namin sa mata niya.
For his skin naman, may mga topical treatments kaming ipinapahid ngayon. Minomonitor muna namin kung magre-respond siya. Kapag hindi talaga gumaling or mukhang hindi effective ang topical treatment, saka namin siya ipapa-work up further sa vet para po sa injections para sa skin nya o kunh ano pong sasabihin o recommend ng vet.
And thankfully, mas okay na si Milo ngayon. 🥹 Mas magana na siyang kumain, which makes us really happy. Nakapag-2 shots na rin siya ng 5-in-1 vaccine as part of protecting him from common viruses and diseases.
Hindi pa naman tapos ang kailangan niyang gamutan and monitoring, pero at least nakikita na namin na bumabalik na ang gana niya. May pakonti-konti na din na balahibo na natubo sa skin nya.
Makikita niyo na lang po sa photos yung transparency ng kanyang check-up at laboratory expenses. Patuloy pa rin naming ibabahagi ang mga susunod na gastos para kay Milo habang nagpapatuloy ang kanyang recovery.
Honestly, hindi talaga namin planong magdagdag pa ng rescue. Mabigat talaga ang responsibility, lalo na kapag dumami ang kailangang pakainin at gamutin.
Pero siguro ganun talaga minsan ang rescue. Hindi mo naman talaga pinaplano kung sino ang isasalba mo. Minsan, nakikita mo lang na may isang a*o na nangangailangan, tapos hindi mo na kayang iwan lalo na kung isa sa mga regular strays o community dogs / cats na pinapakain mo na nakita mo na nag-iba o nanghina na at kailangan na ng tulong.
And that’s POGI.. na Milo na po ang binigay namin na name 🥹 From being a homeless o palengke dog na pinapakain lang namin whenever we could doon sa bilihan ng gulay, ngayon ay kasama na namin siya dito sa bahay at inaalagaan na rin namin.
Sana patuloy siyang gumaling. 🙏🏻
And once again, thank you so much sa lahat ng tumulong kay Milo.. and indirectly, kay Lolo Joshua.
Yung tulong na ibinigay niyo sa amin, hindi lang isang rescue ang natulungan. Nakatulong din ito para maipacheck-up agad namin si Lolo Joshua noong kailangan na kailangan niya.
Kami na po ang bahala sa mga susunod na gamutan nya o follow-ups.. malaking tulong na po na natulungan nyo kami sa malaking responsibilidad na ito..
Maraming salamat po sa pagtulong sa amin na maipagpatuloy ang pag-aalaga sa kanila.