30/07/2025
Real story: 🤍
Habang nasa botika, napansin ko si Tatay na bumibili ng gamot. Di ko alam kung bakit, pero bigla akong naawa. Gusto ko siyang tulungan.
Pagkatapos niyang bumili, dumaan siya sa harapan ko at may bitbit na malaking painting at hirapan maglakad. Napaiyak ako habang siya ay papalayo.
Hinintay ko kung dadaan pa uli siya… then God made a way. Bigla siya bumalik galing sa kabilang tindahan. Kaso tatawid pala siya sa kabilang kanto.
Kaya lumapit ako, iniabot ang konting tulong at biglang napasabi nang, “Tay, pandagdag niyo po”Ngumiti siya. Kita sa mukha niya—pagod na pagod, pero nakakangiti pa rin.
Pagbalik ko sa motor, biglang napaiyak na ako ng tuloy-tuloy. Nakakahiya man, pero hinayaan ko na lang at ramdam kong yun ang paraan ni Lord para gamitin ako, kahit pagod na rin ako.
Real talk: Pagod ako. Pero may mas pagod pa.
Hirap ako, pero may mas hirap pa.
At kahit pagod ka, masarap tumulong—lalo na kung alam mong si Lord ang naglapit sa inyo.
Kapag nakita mo to, wag kang mag give-up ha! Laban lang tayo ng patas. Kasi sa tamang panahon ibibigay sayo ni Lord ang nararapat na para sayo.
God sees your heart. He knows your struggles. And He will provide. Always. 🙏