18/10/2025
Laking gulat ni Rina nang ipatawag siya ng presidente ng kompanyang pinagtatrababuhan niya. Hinding-hindi niya maaaring makalimutan ang lalaking nasa harapan niya nang mga sandaling iyon. Tandang-tanda pa niya ang matamis na pag-iibigan nila noon, eleven years ago.
Ito ang tumulong sa kanya upang makatapos siya ng pag-aaral. Naalala pa niyang tinitipid nito ang sarili upang may maisuporta sa kanya; ginawa nito ang gayon nang lingid sa kaalaman ng mama nito.
Ngunit nalaman din ang lihim nilang iyon kaya gumawa ng paraan ang mama nito upang magkahiwalay sila.
Sa pagbabalik ni Banjo ay naramdaman niya ang pananabik na yakapin ito at hagkan. Subalit bantulot siyang gawin iyon dahil tila mailap na ito sa kanya.
At ang masakit pa roon ay ikakasal na ito sa kasintahan. Nasaan na ang pangako nitong siya lamang ang mamahalin nito? Paano nito malalaman na halos masaid ang luha niya at halos araw-araw siyang naghihintay sa pagbabalik nito?
https://youtu.be/4OXcpS9qqSY?si=EWT7k_77TrJQONy1