Radyo Pilipinas Lucena

  • Home
  • Radyo Pilipinas Lucena

Radyo Pilipinas Lucena Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Presidential Broadcast Service.

QUEZONIAN! MARKAHAN NA ANG INYONG KALENDARYO! NIYOGYUGAN NA NGANIII!! πŸŒ΄πŸ’ƒπŸ•ΊMakiisa at ihanda ang sarili.Ang pinaka-inaaban...
15/07/2025

QUEZONIAN! MARKAHAN NA ANG INYONG KALENDARYO! NIYOGYUGAN NA NGANIII!! πŸŒ΄πŸ’ƒπŸ•Ί

Makiisa at ihanda ang sarili.
Ang pinaka-inaabangang selebrasyon sa lalawigan ng Quezon ay andito nang muli!
Sa bawat indak, ngiti, kultura at kwento ng niyog -- damang-dama ang sigla at pagmamahal para sa ating mga masisipag at matitiyagang magniniyog at magsasaka.

Narito ang mga talaan ng mga kaganapan sa darating na Niyogyugan Festival 2025 ngayong Agosto 12-19, 2025 dito sa Provincial Capitol Compound, Lucena City.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ganda ng ating lalawigan.

Tara na’t makisaya, makibida, at maging bahagi ng makulay na kasaysayan ng Lalawigan ng Quezon!




15/07/2025

Abangan ang talakayan tungkol sa "Nagkakaisang Irrigators Association Sa Bayan Ng Tanay, Rizal Inc." sa panayam sa Pangulo nito na si MR. ELDIVINO VIRAY.

Kasama si DIK CANTOS ng Radyo Pilipinas Lucena sa Usapang Agrikultura, bukas, July 16, Wednesday, 5am.


15/07/2025

| Kasama si Hero Robregado

Double Dry Cropping System, tugon ng National Irrigation Administration tungo sa isang climate-smart agriculture.

Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang produksyon ng palay ng mga magsasaka.



15/07/2025

| Kasama si Hero Robregado

Bukod sa napapataas ang produksyon ng palay, sa pamamagitan ng Double Dry Cropping System ay tataas din ang cropping intensity o ang bilang na pwede muling taniman ang lupa.



15/07/2025

| Kasama si Jaymark Dagala

Mga programa na nakatuon sa paglaban sa kagutuman at kahirapan, patuloy na paiigtingin ng Department of Social Welfare and Development.



15/07/2025

ICYMI | Nagsagawa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng isang fly-by inspection sa Malampaya Phase IV Drilling Project malapit sa baybayin ng Palawan kahapon, July 14, 2025.

Sa ilalim ng Phase 4, tatlong bagong balon ang hinuhukay upang mapalawig ang buhay ng Malampaya gas field. Layunin ng naturang proyekto na patatagin ang seguridad sa enerhiya ng bansa at mabawasan ang pag-aangkat ng langis.



15/07/2025

| Kasama si Alan Allanigue

Mga balota na gagamitin sa BARMM parliamentary mock election na gaganapin sa Lanao del Sur at Tawi-Tawi sa darating na July 25, naimprenta na ng COMELEC.

Mga bagong balota, magkakaroon na ng larawan ng mga kandidato at "none of the above" na opsyon.



15/07/2025

| Kasama si Alan Allanigue

β‚±1.3 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura, naitala ng Department of Agriculture sa nagdaang Bagyong Bising at habagat.

Sa kabila nito, tiniyak ng Kagawaran na hindi ito makakaapekto sa suplay ng pagkain ng bansa maging sa presyo ng mga produktong agrikultura sa merkado.



15/07/2025

| Kasama si Alan Allanigue

Pamahalaan, patuloy na pinapalawak ang bentahan ng β‚±20 na kada kilo ng bigas sa buong bansa.



TINGNAN | Higit P300 milyong halaga ng ilegal na droga nasabat sa magkakasunod na pasaherong dumating sa NAIA mula Canad...
15/07/2025

TINGNAN | Higit P300 milyong halaga ng ilegal na droga nasabat sa magkakasunod na pasaherong dumating sa NAIA mula Canada. | via AJ Ignacio



15/07/2025

π”ππŒπŽπƒπˆπ…πˆπ„πƒ 𝐎𝐏𝐈𝐍𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐀 πˆππˆππˆπ†π€π˜ 𝐍𝐆 π‚πŽπ€, π‡πˆππƒπˆ πŒπ€ππ”ππ”π‘π€ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ”π–π„π’π“πˆπ˜π”ππ€ππ‹π„ππ† ππ€π†π†π€πŒπˆπ“ 𝐒𝐀 π‚πŽππ…πˆπƒπ„ππ“πˆπ€π‹ 𝐅𝐔𝐍𝐃𝐒 𝐍𝐆 πŽπ•π

Ayon kina Manila Rep. Joel Chua at Bicol Saro Rep. Terry Ridon, hindi porke’t maayos ang pagkaka-prepare ng financial statements ay wala nang iregularidad.

Punto ni Chua, nananatili ang katotohanan na may Notice of Disallowance ang OVP at pinababalik ang P73 million na halaga. | ulat ni Kathleen Forbes

Tingnan sa comment section ang buong ulat....

15/07/2025

NEWS UPDATE | Nakabalik na sa PCG sub-station Laurel, Batangas ang mga technical divers ng PCG.

Natapos ang unang dive pasado alas onse ng umaga.

Tikom ang bibig ng mga ito sa resulta ng nasabing first round ng dive subalit may mga impormasyong nakakarating sa Radyo Pilipinas na negatibo umano ang resulta nito.

Sa kabila ng nasabing resulta ay kapansin-pansin din ang paglapit ng PNP SOCO.

Matatandaang una nang sinabi ng PCG na bago tuluyang hanguin o kunin ang ano mang ebidensya ay kinakailangan may superbisyon ito ng mga eksperto.

Wala ring nabanggit ang PCG patungkol sa laki ng pakinabang ng Remotely Operated Vehicle o ROV kung saan ito ang unang araw na ginamit ito.

Inaasahan naman na mamayang hapon ay magsasagawa ulit ng second round dive ang mga ito bilang bahagi ng nagpapatuloy na search and retrieval operations para sa mga nawawalang sabungero.

Ang nasabing operasyon ay isang inter-agency activity kung saan kabilang ang DOJ, PNP, at PCG.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibigay ang hustisya sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero. | via Lorenz Tanjoco



Address


Telephone

+639695313068

Website

https://pbs.gov.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Lucena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipinas Lucena:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share