Kasama ng Kalikasan

Kasama ng Kalikasan Kasama ng Kalikasan (One with Nature) is a radio-tv-program produced by Tanggol Kalikasan

Alam mo ba? Kung Bakit Ayaw namin sa 247 MW Banahaw Wind Power Projects?Dapat mong malaman na ang wind power ay itinutur...
25/08/2025

Alam mo ba? Kung Bakit Ayaw namin sa 247 MW Banahaw Wind Power Projects?

Dapat mong malaman na ang wind power ay itinuturing na Environmentally Critical Projects (ECP) bagamat renewable energy ito. Ang Bundok Banahaw naman ay Environmentally Critical Area dahil ito ay deklarado ng batas Republic Act No. 9847 bilang Protected Lanscape na mas kilala bilang "Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL) Act of 2009". Na sa level pa lamang ng PAMB o Protected Area Management Board ng MBSCPL kung nagmamalasakit sila sa mamamayan at kalikasan ng Banahaw ay dapat nilang hindi ito payagan.

Ang mga proyekto na ECP’s tulad ng Wind Power at ECA’s katulad ng Banahaw ay mas kailangan sumailalim sa isang masusing proseso ng Environmental Impact Assessment (EIA) at kumuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) bago sila magsimulang mag-operate.

Ang anuman pong activity nila tulad ng pagputol ng puno, clearing at any earth moving activity sa area ay illegal pa o bawal pa, lalo na kung wala pa silang ECC na dumaan ayon sa DENR Administrative Order (DAO) No. 2003-30 o "Revised Procedural Manual for the Philippine Environmental Impact Statement (EIS) System": na kasalukuyang IRR na nagpapatupad ng batas PD 1586 o "Establishing the Environmental Impact Statement System": Ito ang pangunahing legal na batayan ng EIA System sa Pilipinas. Na noong 1978 pa naisabatas.

Bakit itinuturing na ECP ang Windmill Power at Hindi ito Dapat Itayo sa Banahaw?

Bagaman ang wind energy ay isang uri ng renewable energy at nakakatulong sa pagbawas ng carbon emissions, ang pagtatayo ng malalaking wind farm ay may potensyal na magkaroon sana ng makabuluhang epekto sa kapaligiran. Pero BIG NO at hindi dapat sa Banahaw. Dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
πŸ‘‰Pangkapaligiran: Ang clearing o pagtatanggal ng mga puno at halaman sa malalaking lupain para sa proyekto, ay agarang makaapekto sa biodiversity mula sa flora mga halaman at sa natural na tirahan ng mga insekto, ibon at hayop na karamihan ay sa Banahaw lamang matatagpuan tulad ng rodent na si Gulantang.
πŸ‘‰Apekto sa wildlife: Posibleng makaapekto sa mga migratory birds o mga local na ibon na dumadaan sa lugar na target tayuan ng wind farm. At may malaking gawain at planong pagpapakawala at o pagpapanumbalik na muli ng mga Philippine Eagle sa Banahaw na inaprubahan ang PAMB ng MBSCPL na sa ngayon ay nasa paghahanda na, na sinasagawa ng LGU ng Tayabas, Southern Luzon State University (SLSU), Philippine Eagle Foundation (PEF), Forest Foundation Philippines (FFP) at DENR.
πŸ‘‰Magdudulot ng Ingay at visual impact: Ang ingay mula sa mga patatakbuhing turbine at ang pagbabago ng tanawin ay maaaring makaapekto sa mga komunidad na malapit sa proyekton at sa mga samu’t-saring buhay.
πŸ‘‰Konstruksyon: Ang pagtatayo mismo, kasama ang paglalagay ng mga kable at substation, ay may kaakibat na environmental risks. Mula sa site clearings at pag tranport mismo ng mga turbina at kagamitan ay magduduloy din ng pagkasalaula ng kaikasan dahil kakailanganing lagyan ito ng mga kalsada at maghawan ng gubat na magdudulot ng landslide, soil erosions at pagbaha na makakasira sa ekosistema ng Banahaw, tulad ng gubat, ilog patungo sa dagat.Katulad sa naging epekto ng Wind Power Farm ma tinayo na sa bayan ng Pililla sa lalawigan ng Rizal.
πŸ‘‰Paglabag sa Cultural Preservation Act of 2009: Dahil ang pagiging makasaysayan ng Banahaw dahil kay Hermano Puli lalo na sa Alitao sa Tayabas City.
πŸ‘‰Maglalagay sa panganib sa mga ari-arian at buhay ng mga mamamayan: Dahil sa ito ay Buhay na Bulkan na merong buhay na fault lines na mapanganib ma trigger kung tatayuan ito ng katulad ng mga windmills, kalsada at iba pang heavy industry kaya nga hindi naitayo noong 1990’s ang South Luzon Tollway Extension Project na dadaan sa Banahaw.
πŸ‘‰Delikadong manganib at makompormiso ang Food Security: Dahil ang laylayan ng Banahaw ngayon ay isa sa pangunahing pinagkukuna ng mga taga Quezon at kalapit lalawigan ng gulay at prutas at iba pang pagkain mula sa pagsasaka.
πŸ‘‰Delikadong mawala ang tubig na inaasahan ng mga taga lalawigan ng Quezon at Laguna: Dahil ito ay Watershed at dito nagmumula ang supply ng tubig ng mga pamayanang nasa laylayan ng Banahaw.

Dahil sa mga potensyal na epekto na ito, dapat po ay sinusuri ng DENR ang bawat proyekto para matiyak na mula sa scoping at plano nakabatay at bahagi nito ang Intergenerational equity at may tunay na mekanismo para mapangalagaan ang mga negatibong epekto at masigurong sustainable ang proyekto na hindi magsasakripisyo ng sa kapakanan at karapatan ng mga susunod pang henerasyon.

Ang pundasyon ng intergenerational equity ay matatagpuan sa Article II, Section 16 ng Saligang Batas. Nakasaad dito:
"The State shall protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature."

Kung kaya dapat tayong manindigan at magkaisa na igiit sa scoping na maging bahagi ng pagaaral ang intergenerational equity bilang isa sa mga pangunahing prinsipyo na dapat isinasaalang-alang sa buong proseso ng Environmental Impact Assessment (EIA). Hindi ito hiwalay na batas, kundi isang konsepto na nakapaloob sa sistema.

Narito ang dapat kung paano ito ang Intergenerational equity ay nagiging bahagi ng EIA, lalo na sa scoping:

Scoping Phase

Ang scoping ay ang paunang yugto ng EIA kung saan tinutukoy ang lawak ng pag-aaral. Sa yugtong ito, ang prinsipyo ng intergenerational equity ay mahalaga dahil sa mga sumusunod:
πŸ‘‰Pagtukoy sa mga Isyung Pangmatagalan: Ang scoping ay nag-aatas na tukuyin hindi lamang ang agarang epekto ng isang proyekto (hal., pagkasira ng kagubatan, bundok, at pagkalipol ng mga wildlife, polusyon sa hangin o tubig) kundi pati na rin ang pangmatagalang epekto nito. Halimbawa, ang pagbabago sa paggamit ng lupa, pagkasira ng mga natural na ecosystem, o pagkaubos ng mga likas na yaman (tulad ng mineral o kahoy) ay may direktang epekto sa mga susunod na henerasyon. Dapat kasama ito sa pag-aaral.
πŸ‘‰Tunay na Social Acceptability at Partisipasyon ng Komunidad: Sa scoping, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga apektadong komunidad. Bagama't ang mga kinatawan ay mula sa kasalukuyang henerasyon, ang kanilang mga alalahanin tungkol sa kanilang mga anak at apo ay malakas na pagpapakita ng prinsipyo ng intergenerational equity. Ang kanilang mga tinig ay nagbibigay-diin sa pangangailangan na pangalagaan ang kalikasan para sa hinaharap.

Sa kabuuan, ang intergenerational equity ay hindi isang hiwalay na "cheklist" sa EIA, kundi isang mahalagang prinsipyo na nakapaloob sa buong proseso upang matiyak na ang mga proyektong isinasagawa ngayon ay hindi magiging sanhi ng pasakit para sa mga mamamayan sa kasalukuyan at sa susunod na mga henerasyon.

May isasagawa pong Public Hearing hinggil sa 247 MW Banahaw Wind Project sa August 28, 2025 β€’ 1:00 PM sa Casa Comunidad de Tayabas po.

Pero kung hindi po kayo makaka-attend, maari po ninyong ipadala ang inyong sentimyento sa email: [email protected]





24/08/2025
24/08/2025

π€π†π‘πˆ-πŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐃𝐑𝐄 ππ”π‘π†πŽπ’ : π’πˆππˆππ† 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆-𝐔𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐆𝐀𝐓, π˜π”πŒπ€ππŽππ† 𝐒𝐀 πŠπ”π‹π“π”π‘π€ 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐔𝐁𝐔𝐍𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 - 𝐀𝐑𝐓 π‰π€πŒ | August 24, 2025

The 4-H Club Padre Burgos proudly invites farmers, fisherfolk, livestock raisers, beekeepers, agri-entrepreneurs, and agri-related youth to take part in an extraordinary event β€” the Painting Art Jam with TANYAG-Quezon. With the theme β€œ Sining na nag-ugat sa Lupa at Dagat, Yumabong sa Kultura at Nagbubunga ng Pag-asa,” this gathering aims to showcase how art and agriculture come together to celebrate our land, seas, and culture.

This activity is not just an art session β€” it is a platform for our youth and community to express creativity, highlight the beauty of our agricultural heritage, and inspire others to take pride in Padre Burgos’ identity.

Participants are encouraged to bring their own paintbrushes, aprons, and extra shirts as we turn the Barangay Hall of Barangay Burgos, Padre Burgos into a vibrant space of culture and creativity on August 30, 2025, starting at 8:00 AM. You can contact Karl Catapang, 4H Club Padre Burgos President for more details.

We also call upon schools, organizations, and cultural advocates to join and support this endeavor. Together, let us prove that when youth, culture, and agriculture unite, we create not only art but also hope, empowerment, and a brighter future for Padre Burgos.



24/08/2025
24/08/2025

Sad😒 πŸ˜₯😭

22/08/2025

Mark your calendars! πŸ“…

Join us for a policy forum entitled "Legal Approaches to Conservation: Setting the Policy Context for the Sustainable Management of Coastal and Marine Natural Capital in the Western Philippines."

πŸ“† Date: 29 August 2025 (Friday)

πŸ•‘ Time: 2:00PM – 5:00PM

πŸ”Ž Live via Zoom and Youtube

The policy forum will provide a platform to discuss relevant discourses on the existing laws and policies surrounding the Western Philippines’ coastal and marine ecosystems and how natural capital accounting can be applied as a tool for sustainable policy development. It will feature

πŸŽ™οΈ Atty. Reuel Angelo P. Realin (Project Technical Specialist, RE-INVEST WPS Project 3; Program Officer, The Asia Foundation)

πŸŽ™οΈ Atty. Fritzielyn Q. Palmiery (Executive Director, Tanggol Kalikasan; Asst. Professor, DSFFG, CFNR, UPLB)

πŸ”— Register now: bit.ly/REINVEST-PolicyForum

βœ… E-certificates will be issued to participants who attend the full session.

22/08/2025

Alam mo na kung bakit wala sila pakialam sa kalikasan o likas-yaman? Abala pala sila sa pagkulimbat ng ating kabang-yamanπŸ˜₯

Address

Lucena City
Lucena
4301

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kasama ng Kalikasan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share