28/09/2024
BINYAGANG LICEO 2024 || SETYEMBRE 27, 2024
Isinagawa ang Binyagang Liceo 2024 para sa mga bagong mag-aaral at g**o sa Liceo de Luisiana (LDL) noong ika-2 ng hapon, Setyembre 27, 2024.
Bilang bahagi ng tradisyon, isinasagawa taon-taon ang binyagan sa Liceo de Luisiana upang salubungin ang mga bagong mag-aaral at g**o. Layunin ng pagtitipon na ito na magbigay ng mainit na pagtanggap sa kanila, hindi lamang upang sila'y maging masaya kundi upang ipahayag ang pasasalamat sa kanilang desisyon na maging isang Licean at palakasin ang pagtitiwala at ugnayan sa isa't isa.
Isang masiglang pagtanggap ang inihandog sa mga bagong g**o at mag-aaral ng LDL sa pamamagitan ng mga palaro at mga istasyon, na pinangunahan ng Supreme Student Learners Government (SSLG). Sinimulan ang programa panimulang panalangin ng SSLG Grade 8 Representative na si John Steven Carreos at ang Punong G**o na si Bb. Mimosa Rondilla naman ang nagbigay ng pambungad na pahayag.
Para sa unang bahagi, ipinakilala ang opisyal na kanta ng San Pabloo Diocesan Schools System (SPDCSS) na pinangunahan ng SSLG at Campus Youth Ministry (CYM) officers. Pagkatapos nito, nagsagawa ng raffle upang maging mas masaya ang mga Licean, at kasunod nito ay sinundan na rin ito ng palarong panlahi na sack race. Matapos ang mga ito, nagpatuloy ang programa na inihanda ng SSLG.
Ang mga mag-aaral at g**o ay kinakailangang malampasan ang tatlong istasyong habang nakapiring ang mga mata. Ang mga mag-aaral mula sa Baitang 12 at ang mga dating g**o ang nagsilbing gabay sa mga nasabing kalahok.
Bunga ng mga istasyon na nagbigay ng kakaibang karanasan sa kanila, karamihan sa kanila ay labis na nagdumi, kasama na ang paggapang at pagbuhos ng tubig. Bukod dito, may istasyong kung saan pinakain sila ng mga kakaibang pagkain na nagpadagdag ng saya.
// Ashley Ann Graida
📷 Andrei Cuala