Pamana

Pamana Ang PAMANA ay ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Duquit High School.

SA MGA LARAWAN | Matagumpay na Nagtapos ang Cheerdance Competition 2025–2026 sa Duquit High School       📸 Stephanie Pin...
30/03/2026

SA MGA LARAWAN | Matagumpay na Nagtapos ang Cheerdance Competition 2025–2026 sa Duquit High School



📸 Stephanie Pineda | Erica Coleen Sanchez | Marielle Denise Toreta | Donnalyn Horner
💻 Sanja Lou Atenta

Duquit, Mabalacat City - Hindi nabigo ang Magiting sa muling pagsungkit ng titulo bilang Kampeon sa Cheerdance Competiti...
11/03/2026

Duquit, Mabalacat City - Hindi nabigo ang Magiting sa muling pagsungkit ng titulo bilang Kampeon sa Cheerdance Competition sa Duquit High School noong ika-9 ng Marso.

Sa kabila ng pagod at sakripisyo, nanatiling Magiting na may temang Voltes V ang Kampeonado at Best in Costume para sa kanilang Cheerdance Competition laban sa lahat ng mga baitang mula sa pangkat 10.

Hinirang naman ang Matatag na may temang Aquaman para sa ika-unang parangal, best in Female Dancer, Best in Yell, at Best in Choreography.

Ikalawang parangal naman para sa para sa Matapang at Best in Pyramid na may temang The Incredibles.

At ang mga napiling hurado ay sina: Hon. Jericho Lozano, SK Chairman mula sa baranggay ng Duquit, Hon. John Kenneth Santos, SK Councilor, at si G. John Dave Santos, Summa Cum Laude sa Bachelor of Arts in Communication sa Angeles University Foundation.

Naging matagumpay ang presentasyon ng Cheerdance Competition at sumasalamim dito ang bawat pagtitiyaga at pagpupursigi ng bawat baitang sa pangkat 10.

✍️ Irish Paulene Salunga
📸 Stephanie Pineda | Donnalyn Horner | Marielle Toreta | Erica Sanchez

23/02/2026
Sa pagdiriwang ng Valentine’s Day na ginaganap ngayon sa Duquit High School, naging makulay at puno ng kasiyahan ang buo...
13/02/2026

Sa pagdiriwang ng Valentine’s Day na ginaganap ngayon sa Duquit High School, naging makulay at puno ng kasiyahan ang buong paaralan sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na naghanda ng iba’t ibang kapana-panabik na aktibidad para sa mga mag-aaral.

Inihanda ang Wedding Booth para sa mga mag-aaral ng Grade 10 kung saan pansamantalang naranasan ang simbolikong kasalan at masayang paggunita sa diwa ng pag-ibig.

Nagkaroon naman ng Photo Booth para sa Grade 9 na nagsilbing lugar upang makuha at maitala ang masasayang alaala kasama ang mga kaibigan at minamahal.

Isinasagawa rin ang Blind Date Booth para sa Grade 8 na nagbigay ng kakaibang karanasan at pagkakataong makakilala ng bagong kaibigan sa masayang paraan.

Para sa Grade 7, inilunsad ang Confession Wall Booth kung saan malayang naipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin at lihim na paghanga.

Pinangunahan din ng SSLG ang Gift Booth na nagsilbing tulay sa pagpapalitan ng mga munting regalo at sorpresa bilang simbolo ng pagpapahalaga at pagmamahal.

Bukod dito, ipinatupad ang color coding sa kasuotan ng mga mag-aaral bilang pagpapahiwatig ng kanilang status, na lalong nagdagdag ng saya at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa paaralan.

📸 Erica Coleen Sanchez | Marielle Denise Toreta | Donnalyn Horner
🖼️ Sanja Lou Atenta
✍️ Rhianna Lapid

SA MGA LARAWAN | Matagumpay na Nagtapos ang Career Guidance 2025–2026 sa Duquit High School       📸 Stephanie Pineda | E...
12/02/2026

SA MGA LARAWAN | Matagumpay na Nagtapos ang Career Guidance 2025–2026 sa Duquit High School





📸 Stephanie Pineda | Erica Coleen Sanchez | Marielle Denise Toreta | Donnalyn Horner | Isiah Mae Mauricio
💻 Sanja Lou Atenta

Duquit, Mabalacat City - Matagumpay na naidaos ang Career Guidance para sa mga mag aaral ng ika-10 baitang na may temang...
07/02/2026

Duquit, Mabalacat City - Matagumpay na naidaos ang Career Guidance para sa mga mag aaral ng ika-10 baitang na may temang Rampangarap ngayon sa Duquit High School, Pebrero 6.

Nagsilbing punong-abala ang Guidance Officer na si G. Manuel A. Manalo, Teacher 1, para sa matagumpay na pagdaos ng nasabing programa, kasama rin si Gng. Perlina B. Gantan, bilang tagapagsalita.

Hinirang na Best Career Statement si Danilo Alfaro Punzalan at Ameena Gonzales Ambassador of Dreams na si John Michael Verzosa at si Ameena Gonzales bilang Ambassadres of Dreams.

Kinilala naman bilang Kampeon ang 10 - Magiting para sa Living Infographics na ipinakita kung paano makatutulong ang kanilang propesyon sa mga panahon na may sakuna't peligro.

Nabigyang oportunidad ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang mga ninanais na propesyon sa hinaharap at bilang gabay sa pagpili ng kanilang track sa Senior High School (SHS).

✍️ Irish Paulene Salunga
📷 Stephanie Pineda | Marielle Toreta | Donnalyn Horner | Erica Sanchez | Isiah Mae Mauricio
🖼️ Sanja Lou Atenta

SA MGA LARAWAN | Matagumpay na Nagtapos ang Festival Dance 2025–2026 sa Duquit High School       📸 Stephanie Pineda | Er...
21/01/2026

SA MGA LARAWAN | Matagumpay na Nagtapos ang Festival Dance 2025–2026 sa Duquit High School





📸 Stephanie Pineda | Erica Coleen Sanchez | Marielle Denise Toreta | Donnalyn Horner
💻 Sanja Lou Atenta

Duquit, Mabalacat City - Kasalukuyang ginaganap ang Folk Dance Competition ng mga grade 8 sa Duquit High School, enero 1...
19/01/2026

Duquit, Mabalacat City - Kasalukuyang ginaganap ang Folk Dance Competition ng mga grade 8 sa Duquit High School, enero 19, 2026.

Kabilang sa mga kalahok mula sa pangkat 8 ang Magiliw, Masinop, Magalang, Mabait, Madasalin, Magilas, Mahinahon, at Matiisin.

Tunay na masigla at makulay ang Folk Dance dahil sa kanilang dedikasyon at pagkakaisa sa entablado.

Pinangasiwaan nina G. John C. Capili at G. Melvincent Monis bilang mga g**o sa MAPEH ng mga kalahok sa Folk Dance.

Ang kompetisyon at isang patunay ng talento, disiplina, at pagtatanghal ng may buong puso.

✍️ Irish Salunga
📷 Donnalyn Horner | Marielle Denise Toreta
🖼 Sanja Lou Atenta

19/01/2026

Nagpakita ng pambihirang talento at dedikasyon ang mga seksyon ng baitang 9 sa Festival Dance na ginanap noong Enero 16, 2026 sa Duquit High School.

Iba't-ibang parangal ang nakamit kapalit ng kanilang pagod, kabilang ang kampiyonato, mga espesyal na gantimpala para sa kasuotan, props, koordinasyon, at enerhiya—na nagpapatunay sa kanilang walang-sawang husay, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng bawat pangkat na nagsisilbing pruweba na karapat-dapat sakanila ang mga gantimpalang nakamit.

✍️ Althea Mae Marzalado
🎥 Erica Coleen Sanchez
📷 Stephanie Pineda | Donnalyn Horner | Marielle Denise Toreta | Erica Sanchez

PISTA NG GALAW: Festival Dance ng Grade 9, Ipinakita ang Kulay at Galing ng Kabataan.Naganap ang makulay at masiglang Fe...
18/01/2026

PISTA NG GALAW: Festival Dance ng Grade 9, Ipinakita ang Kulay at Galing ng Kabataan.

Naganap ang makulay at masiglang Festival Dance ng mga mag aaral mula sa pangkat 9, na pinangunahan ng MAPEH Department, sa Duquit High School.

Walong seksyon ang kalahok na sabay-sabay na nagpakita ng kanilang talento sa pagsasayaw.

Kabilang sa mga lumahok ang mga seksyong Matiyaga, Matapat, Malikhain, Masikap, Marangal, Mapagbigay, Mapagmalasakit, at Masayahin at ang bawat isa ay kumakatawan sa iba’t ibang pista sa Pilipinas.

Nagsisilbing Masters of Ceremony sina La Vien Quinto at Faye Abante, na maayos at masiglang gumagabay sa daloy ng programa.

Dahil sa kanilang mahusay na paggabay, naging organisado at tuluy-tuloy ang daloy ng programa mula umpisa hanggang wakas.

Ipinakita ng lahat ng mag-aaral ng Grade 9 ang kanilang husay at dedikasyon sa pagsasayaw sa bawat pagtatanghal.

Kita ang pagsisikap ng bawat seksyon sa kanilang mga hakbang, ekspresyon, at pagkakaisa sa entablado.

Naging kaakit-akit ang pagtatanghal dahil sa makukulay at malikhaing props na ginagamit ng bawat grupo.

Pinangasiwaan at sinupurtohan din nina G. Melvin Monis at G. Ivan Lumboy bilang mga g**o sa MAPEH ng mga kalahok sa Festival Dance.

Ang festival dance na ito ay hindi lamang simpleng palabas, kundi isang patunay ng talento, disiplina, at pagmamahal ng mga mag-aaral sa sining at kulturang Pilipino.

✍️: Rhianna Lapid
🖼️: Sanja Lou Atenta
📷: Stephanie Pineda | Donnalyn Horner | Marielle Toreta | Erica Sanchez

Address

Mabalacat
2010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category