One of a Kind

One of a Kind Mind over Heart, Heart over Mind πŸ’œβ€οΈ

β€œPahinga Ka Na, Bayaning Inaβ€πŸ’”Pagod, Sakripisyo, at Isang Di Inaakalang Wakas.Nakakadurog ng puso...Kaninang umaga, isan...
05/08/2025

β€œPahinga Ka Na, Bayaning Inaβ€πŸ’”

Pagod, Sakripisyo, at Isang Di Inaakalang Wakas.

Nakakadurog ng puso...

Kaninang umaga, isang pasahero ng Ceres Bus ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng sasakyan habang nasa may Sibulan. Si Wilma Ausa, taga-Brgy. San Isidro, Manjuyod, Negros Oriental β€” isang OFW na bagong dating mula sa Nagoya japan, pauwi sana para makita muli ang kanyang pamilya... pero sa kasamaang palad, hindi na siya nakarating nang buhay. πŸ˜”

Sobrang nakakaawa. Ayon sa mga saksi, tila inatake siya sa puso β€” posibleng dahil sa sobrang pagod, stress, at puyat. Napansin na lang ng konduktor na wala na siyang malay.

Malapit na sana… konting tiis na lang, pero hindi na siya umabot. 😒
Ang mas masakit pa? Balak pa daw niyang i-surprise ang kanyang mga anak at pamilya. Bitbit ang pag-asang may maibabahagi mula sa sakripisyo sa ibang bansa.

Ilang taon siyang nangibang-bansa, tiniis ang lungkot at layo β€” lahat para sa pamilya. Pero sa huli, hindi na niya naranasan ang pag-ani ng kanyang pinaghirapan.

Naiwan na lang ang mga luha, tanong, at pangungulila ng kanyang mga mahal sa buhay.πŸ’”

Nakakagising. Minsan kahit anong sipag, kahit gaano mo pa pilit kayanin, kung talagang tapos na ang oras mo, wala kang laban. Diyos lang ang may alam ng takbo ng buhay natin. Kaya habang may pagkakataon tayong huminga, magmahal, magpahinga β€” gamitin natin ito. Dahil hindi natin alam kung may bukas pa tayong babalikan.πŸ˜’πŸ’”

Sayang ang taon ng sakripisyo kung sa dulo, hindi mo rin ito mararamdaman. Kaya sana, matutunan nating huwag ipagpalit ang kalusugan para lang sa kita. Oo, mahal natin ang pamilya, pero paano nila tayo makakasama kung wala na tayo?πŸ’”

Paalam Ate Wilma… Isa kang bayani sa mata ng iyong pamilya. Sa kanila, hindi kailanman masasayang ang buhay mo.

Pakikiramay po kami sa lahat ng naulila at nagmamahal kay Ate Wilma Ausa. πŸ™πŸΌπŸ˜₯

"Kaunting tiis pa"Kaunting tiis pa.Habaan pa ang pasensya.Huwag na huwag kang mawawalan ng gana.Malapit na.Diretso laman...
30/01/2025

"Kaunting tiis pa"

Kaunting tiis pa.
Habaan pa ang pasensya.
Huwag na huwag kang mawawalan ng gana.
Malapit na.

Diretso lamang ang mga mata.
Kaunting hakbang pa.
Tigilan na ang pagkukumpara.
Ang oras natin ay magkakaiba.

Nakikita ng langit ang lahat ng iyong ginagawa.
Pakikinggan ka din ng buwan at mga tala.
Punasan mo ang iyong mga luha.
Paparating na ang hinihintay mong biyaya.

Maniwala.
Magtiwala.
Ang iyong isip ay ipayapa.
May magandang plano si Bathala.

25/01/2025

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars – they help me earn money to keep making content that you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars.

15/01/2025

HOY BITIN NAMAN YONG MV NG WHEREVER YOU ARE 😭😭
Soafer ganda ng eabab πŸ§œπŸ»β€β™€οΈ

Address

Macalelon
4309

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One of a Kind posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share