17/07/2026
Natatagong kwento sa likod ng awiting "Mahal Mo Ay Iba".
Year 1999, nag-aral ako ng sekondarya sa Calantas National High School, Macalelon, Quezon. Wala pang K12 noon, kaya ang bawat year level ay tinatawag na First, second, third and fourth year.
Ako ay lumaking wasak ang pamilya, dahilan kung bakit maraming ulit akong nahinto sa pag-aaral. At nang mag- first year High School ako, 19 years old na ang aking edad. Nang mga panahong iyon, meron akong naging kaklase na nahulog ang aking loob. Ngunit, 12 years old pa lang sya noon. Nahihiya akong manligaw sa kanya dahil napaka-tanda ko kumpara sa kanya. Pero dahil sa pangamba ko na baka may ibang manligaw sa kanya, naglakas loob akong magsabi sa kanya ng aking nararamdaman. Sinabi niya sa akin na bata pa sya. Hintayin ko daw na mag fourth year kami at ako ay kanyang sasagutin. Natuwa ako sa kanyang sinabi at may pag-asa akong naghintay.
Pagkatapos ng first year high school ay nagkaroon ako ng problema sa pag-aaral. Kung kaya't nahinto na naman ako. Makalipas ang dalawang taon na wala sa paaralan, muli akong nagbalik para sa babaeng aking minamahal na nangakong sasagutin ako pagdating ng 4th year. Ngunit nang ako ay magbalik, nalaman kong may mahal na sya.
Tinago ko sa puso ko ang sakit at tinanggap ang katotohanang hindi kami para sa isa't isa. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pag-aaral para sa aking sarili kahit masakit makita na lagi silang masayang magkasama.
Ang awiting "Masaktan Man Ang Puso Ko" ay unang kanta na aking nagawa sa panahong ako ay nag-aaral ko sa Calantas National High School, Macalelon , Quezon na hango sa totoong pangyayari sa aking buhay.
Mensahe ko sa babaeng nabanggit dito: "Alam kong maririnig mo ang awiting ito. Napakasakit ng ginawa mo sa akin. Ngunit ayaw kong maging hadlang sa kaligayahan mo noong time na yun, kaya tiniis ko nalang ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit maraming salamat sa ginawa mo sa akin, sapagkat, dahil dito ay nabuo sa aking isip ang isang awit na ngayon ay matagumpay na isinilang sa Spotify. Binigyan mo ako malaking karangalan sa pangyayaring ito na iingatan at tataglayin ko habang buhay."
https://open.spotify.com/track/0So1rMvFefStt0NBJo7gJG?si=ijnE8dnyQImBt-cIOuJRdQ&utm_source=copy-link
Erwin Magpantay · Mahal Mo Ay Iba · Song · 2026