29/07/2025
🏩Tara na sa MDH magpa-Konsulta!
Ipinapatupad ng Maddela District Hospital ang eKonsulta Program alinsunod sa Universal Health Care Act at PhilHealth Circular No. 2022-0032 upang maghatid ng serbisyong abot kamay, kumpleto, at patient-centered na primary care para sa lahat ng Maddelanians at Kailyans ng Quirino!
Layunin ng MDH Konsulta:
• Maginhawa at digital na konsultasyon
• Maayos na enrollment at follow-up
• Libreng diagnostic at gamot
• Tuloy-tuloy na gamutan sa pamamagitan ng referrals
• Pagsulong ng kaalaman sa kalusugan ng komunidad
⚠️Para makapag-avail ng libreng serbisyong medical gaya ng:
✅Libreng Konsultasyon mula sa PhilHealth Accredited Doktor
✅Complete Physical Examination or Komprehensibong Pagsusuri sa Katawan
✅Basic Laboratory tests at diagnostics
▫️Complete Blood Count [CBC] with Platelet count
▫️Urinalysis
▫️Fecalysis
▫️Sputum Microscopy [DSSM]
▫️Fecal Occult Blood Test [FOBT]
▫️Pap Smear
▫️Fasting Blood Sugar [FBS]
▫️Lipid Profile
▫️Creatinine
▫️Oral Glucose Tolerance Test [OGTT]
▫️Electrocardiogram [ECG] *BY APPOINTMENT
▫️Chest X-ray *BY APPOINTMENT
✅Libreng Gamot
✅Nutrition Counceling
✅Health Education
kailangan nakarehistro sa Maddela District Hospital.
Magparehistro na para sa mas abot-kayang pangangalaga sa inyong kalusugan
Mas ligtas, mas mabilis, at mas abot-kaya ang dakilang serbisyong medikal.
Serbisyong Sulit at Tama sa MDH! ❤️