09/04/2025
MALING BUS ANG NASAKYAN KO
Hi spookify! Gusto kolang ekwento sa inyo ang experience kong ito.
Year 2020 nung umowi ako ng samar, sa byahe normal lang talaga ang tulog ng tulog. Nung nasa matnog na kami ok pa naman ang lahat,Hanggang sa makarating ng Allen dun na nangyari ang Hindi ko inaasahan.
Nakipag siksikan ako sa mga tao para maka baba agad ng barko, pag baba ko tanaw ko agad ang bus na sinakyan namin, hindi na ako lumingon at dire-diretso na akong pumasok sa bus, pagka pasok ko agad akong sinalubong ng kakaibang lamig. Kinilabotan ako hindi ko alam kung bakit. Ilang minuto na akong naka upo Peru wala parin sa mga kasamahan ko ni isa ang pumasok, pumikit nalng ako at pinakiramdaman ang paligid, sumilip ako sa labas ng bintana Marami pa naman tao ngunit nakakapagtaka lang dahil Hindi parin pumasok mga kasamahan ko. Sure naman ako ito Yung bus na sinakyan namin dahil tinandaan ko ng mabuti ang Numero. Tinanong ko ang driver kung bakit wala parin mga kasamahan ko? Bagkus na sagutin pinaandar nya lang ang sasakyan at unti-unti na itong umuusad Hanggang sa bumilis na ang takbo.
Magka halong Kaba at takot na ang naramdaman ko, sumilip ako sa bintana wala akong Makita subrang dilim sa labas samantalang mag uumaga na. Juskopo panginoon nasaan ako at Anong klaseng bus itong nasakyan ko? Iligtas niyo po ako dasal ko habang umiiyak , nag papanic na ako.
Kuya ihinto mo ihinto Mona please sigaw ako ng sigaw Peru Hindi sya nakikinig. Maya-maya unti unting bumagal ang takbo ng sasakyan at dahan dahan ring lumingon ang driver Sakin.
Para akong nilamon ng lupa sa kina uupuan ko. Subrang putla ng Mukha nya na parang wala ng dugo nakakatakot tingnan unti-unti syang ngumiti habang ang mata nya ay napaka lalim at umaagos ang dugo.
Aaaaaaaaaahhhhh.........
sigaw ako ng sigaw sa subrang takot, Hindi ko na namalayan nasa harap Kona Pala sya.
Iha maling bus ang nasakyan mo! sabi nya . Tapos Bigla itong nawala.
Nagising ako sa lakas ng pagka sampal ni mama sa Mukha ko, kahit gising na ako umiiyak parin ako. Masyado akong nadala sa panaginip ko, buti panaginip lang Pala at Hindi totoo.
OFFICIAL JAMES DELFINADO