18/10/2025
𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐑𝐀𝐈𝐃𝐀 𝐓𝐎𝐌𝐀𝐖𝐈𝐒-𝐒𝐈𝐍𝐒𝐔𝐀𝐓 𝐒𝐇𝐎𝐖𝐒 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝟖𝐓𝐇 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐌𝐔𝐒𝐀𝐁𝐀𝐐𝐀𝐇
Sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkabataan at pangrelihiyon, dumalo si Mayor Raida Tomawis-Sinsuat sa 8th Municipal Musabaqah na ginanap sa Barangay Penansaran, Datu Blah T. Sinsuat ngayong araw, Oktubre 18, 2025.
Buong puso niyang ipinahayag ang kanyang suporta sa mga kalahok na nagpapamalas ng galing, disiplina, at pananampalataya.
Kaisa rin sa okasyong ito si Vice Governor Datu Marshall I. Sinsuat, na dumalo upang ipakita ang kanyang buong suporta sa nasabing aktibidad — patunay ng pagkakaisa ng pamahalaang panlalawigan at lokal sa pagtataguyod ng edukasyon at kulturang Islam.