19/01/2026
"CREATION OF BARANGAY KALNIAN"
January 19, 2026, Isang makasaysayang consultative meeting ang ginanap para sa layuning mabuo ang Barangay kalnian bilang isang ganap at independiyenteng barangay! 🤝
Dumalo si Mangudadatu Municipal Mayor Honorable Datu Fiedder "OWEN" Mangudadatu sa nasabing meeting upang pangunahan ang pagtitipon kasama ang mga SB Members at mga Barangay Captains. Buo ang suportang ipinamalas ng ating mga lider sapagkat hangad nila ang kapayapaan, kaularan at pagkaka-isa sa kanilang nasasakupan.
Dumalo rin at nagbigay ng kanyang suporta si Hajj Abdillah Paguimanan, ang 109th Base Commander ng BIAF-MILF, na siyang nagpapatunay na kaisa ang lahat sa hangaring kapayapaan at progreso.
Abot-langit naman ang tuwa ng mga residente ng Kalnian! Naniniwala ang ating mga kababayan na ito na ang simula ng mas maliwanag na kinabukasan at tunay na pagbabago para sa kanilang komunidad.