Aljon vlog

Aljon vlog Birada dira kol

Slay✨
01/04/2025

Slay✨

Vlogger na si “Brader,” Mahaharap sa Patung-patong na Kaso Matapos Bastusin ang KOJC Compound—Pinadalhan ng Cease-and-De...
18/02/2025

Vlogger na si “Brader,” Mahaharap sa Patung-patong na Kaso Matapos Bastusin ang KOJC Compound—Pinadalhan ng Cease-and-Desist Letter ng Abogado ni Pastor Quiboloy

Muling naging laman ng kontrobersiya ang vlogger na si Crist Briand, o mas kilala bilang “Brader,” matapos nitong maglabas ng content na itinuturing bastos, mapanira, at walang respeto. Sa nasabing video, makikita siyang umiihi sa pader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound, kung saan may poster ni Pastor Apollo Quiboloy.

Dahil dito, agad siyang pinadalhan ng cease-and-desist letter ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon.

Ayon sa legal notice, ang ginawa ni “Brader” ay may criminal at civil liabilities sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Sa sulat na inilabas ng Torreon Law, binigyang-diin na ang ginawang pag-ihi sa pader ay isang kaso ng Offending Religious Feelings sa ilalim ng Article 133 ng Revised Penal Code.

Bukod dito, itinuring din itong isang paglabag sa Expanded Anti-Urination in Public Ordinance ng Davao City, na kamakailan lang ay inalter ng Sangguniang Panlungsod noong Disyembre 10, 2024 upang magpataw ng mas mabibigat na parusa sa mga mahuhuling umiihi o dumudumi sa pampublikong lugar.

Sa kanyang content, ginamit pa ni “Brader” ang mapanirang pahayag na:

“Feeling utok chickboy style.”

Ayon kay Atty. Torreon, ito ay libelous sa ilalim ng Article 353 at Article 355 ng Revised Penal Code dahil nagpaparatang ito ng immoral na asal laban kay Pastor Quiboloy.

Sa sulat ng abogado, inatasan si “Brader” na agarang sundin ang sumusunod na tatlong kahilingan:

1. Aalisin at buburahin ang lahat ng mapanirang content, posts, at videos na may kinalaman kay Pastor Quiboloy.

2. Ititigil ang anumang paninira, pangungutya, at bastos na pagpapahayag laban kay Quiboloy at sa KOJC.

3. Maglabas ng public apology kay Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng limang (5) araw mula sa pagtanggap ng liham.

Kung mabigo si “Brader” na tumalima sa mga kahilingang ito, isasampa laban sa kanya ang mga kasong:

• Grave Oral Defamation (Article 358, Revised Penal Code)
• Libel (Article 353 at 355, Revised Penal Code)
• Offending Religious Feelings (Article 133, Revised Penal Code)
• Paglabag sa Expanded Anti-Urination in Public Ordinance ng Davao City
• Civil case for damages na maaaring umabot sa P10 milyon

“Hindi Ito Magandang Halimbawa sa Kabataan”

Giit ni Atty. Torreon, hindi magandang ehemplo ang ipinapakita ni “Brader” sa kanyang mga viewers, lalo na sa mga kabataan.

“Para lang sumikat, sisiraan at babalahurain ang iba? Iihian pa ang poster ni Pastor? Mahaba ang pasensya ni Pastor ACQ, pero ako na mismo ang magpapafile ng kaso rito.”

Bukod sa KOJC issue, matatandaang nag-viral na rin si “Brader” matapos niyang bastusin ang isang Indian student mula sa isang sikat na medical school sa Davao City. Sa kanyang content, tinanong niya ang estudyante kung bakit ito “amoy sibuyas”, bagay na mariing kinondena ng paaralan.

Ayon sa mga netizens, malayo na ang ginagawa ni “Brader” sa kanyang sinasabing “Bless and Love” mantra.

“Hindi na ito pagpapatawa—bastos na at walang respeto,”

12/02/2025

Nyag lűbütôn taka?

Thank you sa payment💛  Ito ay dapat tularan😂
11/02/2025

Thank you sa payment💛 Ito ay dapat tularan😂

Shout out sa mga kabataan jan Ready naba kayu sa feb14 🥀💐
09/02/2025

Shout out sa mga kabataan jan Ready naba kayu sa feb14 🥀💐

Address

P-2 Poblacion Mahayag
Mahayag
7026

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aljon vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share