Mark Vincent Arasa

Mark Vincent Arasa Filipino singer-songwriter and podcaster. I write songs from the heart and speak truths through my podcast, Open Mic with Mark.

Sharing stories, chasing purpose, and creating space where honesty, music, and reflection come together.
🎙️🎶

11/06/2025

🎙️ Episode 1 is OUT NOW!
Title: Why This Mic is Open?

Welcome to the very first episode of Open Mic with Mark, a space where stories are shared, thoughts are unpacked, and feelings are validated. In this pilot episode, I talk about why I started this podcast, where I am in life right now, and why listening—truly listening—matters more than we realize.

🗣️ "Sometimes the most powerful thing we can offer (to someone) is to listen." – MVA 2025

If you're navigating change, chasing purpose, or simply need someone to relate to, this mic is open... for you. 🎧

💬 Listen now on Spotify and other streaming platforms!
📌 Link in bio or comment section!

Part 2/2Pagkatapos ng Pook, nagtuloy tayo sa Brgy. Santa Catalina (L. Jaena, Regidor, at Balagtas).Ang L. Jaena ay nagin...
28/04/2025

Part 2/2
Pagkatapos ng Pook, nagtuloy tayo sa Brgy. Santa Catalina (L. Jaena, Regidor, at Balagtas).

Ang L. Jaena ay naging parang ikalawang tahanan ko mula pagkabata hanggang high school.
Dito nabuo ang ilang barkadahan at matibay na samahan na hanggang ngayon ay nananatili sa puso ko.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit lumipas na ang panahon, hindi niyo pa rin ako nakakalimutan—at bonus pa, sabi nga nila, kahawig ko raw si Baby Baste! Haha!

Maraming, maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap, sa mga ngiti, kwentuhan, at pagmamahal.
Kayo ang dahilan kung bakit lalong tumitibay ang aking hangarin na maglingkod nang tapat at buong puso.



Part 1/2Kahapon, Abril 27, tayo po ay nangampanya at nakipagkamustahan sa ating mga kababayan at kapamilya sa Brgy. Sant...
28/04/2025

Part 1/2

Kahapon, Abril 27, tayo po ay nangampanya at nakipagkamustahan sa ating mga kababayan at kapamilya sa Brgy. Santa Catalina (Pook).

Marami po akong alaala sa lugar na ito.
Dito ako unang natuto ng diskarte sa buhay—mula sa pagtitinda ng meryenda tulad ng spaghetti, sopas, palabok, pancit, at gulaman, hanggang sa makapagtayo ng sarili kong sari-sari store sa edad na sampung taon.

Dito ko unang naranasan ang hirap at saya ng pagnenegosyo—kung paano mag-ipon, paano magsumikap, at higit sa lahat, kung paano makisalamuha nang may respeto at malasakit sa kapwa.

Malaking bahagi po ng aking pagkatao ang naitulong ng mga karanasan ko sa Pook, at hindi ko po iyon kailanman makakalimutan.

Maraming salamat po, Brgy. Santa Catalina (Pook), sa mainit ninyong pagtanggap at sa mga alaala ng kabataan na hanggang ngayon ay inspirasyon ko sa pag-abot ng aking mga pangarap.


BUKAS NA! Team Clado-Melendez 2025 CaravanMarch 7, 2025 | Origuel Court  (Para sa Barangays Oobi, Origuel, at mga kalapi...
06/03/2025

BUKAS NA!

Team Clado-Melendez 2025 Caravan
March 7, 2025 | Origuel Court
(Para sa Barangays Oobi, Origuel, at mga kalapit na lugar)

Magkita-kita tayo bukas para sa isang araw ng kasiyahan at libreng serbisyo! Narito ang mga inihahandang activities:

- 6:00 AM: Zumba Registration – simulan ang araw nang may energy!
- 8:00 AM – 11:00 AM:
• Basic Legal Notary
• Reading Glass
• Haircut
• Foot Therapy
• Meds (Losartan, Amlodopine, Rosuvastatin)
• Lugaw at iba pa

Importanteng Paalala:
Dalhin ang iyong kumpletong notary documents kasama ang IDs at prescription. *No reseta, no meds!*
Limited slots lamang—first come, first serve.

Kitakits bukas! 😍


Sumali sa laban para sa pagbabago! Kung naniniwala ka sa adbokasiya at plataporma ni Konsehal Mark Vincent Arasa, ikaw a...
05/03/2025

Sumali sa laban para sa pagbabago! Kung naniniwala ka sa adbokasiya at plataporma ni Konsehal Mark Vincent Arasa, ikaw ang hinahanap namin. Ipakita ang iyong malasakit at maging bahagi ng samahan para sa mas maunlad na komunidad.

24/02/2025

Maligayang pagdating sa opisyal na page ng Konsehal Mark Vincent Arasa Volunteers!

Kami ay natutuwa na makasama kayo sa paglalakbay tungo sa mas progresibong bayan. Ang page na ito ay isang tahanan para sa mga supporters at volunteers na nagmamalasakit sa ating komunidad at naniniwalang sa pagkakaisa, makakamit natin ang pagbabago. Dito ay makakakuha kayo ng mga update tungkol sa kampanya ni Konsehal Arasa, mahahalagang balita, at mga volunteer activities na inihahanda para sa atin.

Inaanyayahan namin kayong maging aktibo sa pagbahagi ng inyong mga ideya at suporta. Sama-sama nating itaguyod ang adhikain para sa mas maunlad at mas inklusibong komunidad.

Maraming salamat sa pagsali at pagtiwala. Tara na at simulan na natin ang ating laban para sa pagbabago!


Address

Majayjay
4005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mark Vincent Arasa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category