10/08/2025
From a Simple Island Girl to the Nation’s Darling.
Mas nakilala ko talaga si Shuvee Etrata dito sa Pinoy Big Bread Winner episode ng Magpakailanman.
Grabe no, the whole episode nakakaiyak kasi sa likod ng positive aura niya at napakaganda niyang ngiti, may mabigat pala siyang pinagdaanan noon.
Nakaka-amaze at nakaka-inspire yung positive outlook ni Shuvee, kasi kung iba ‘yan, baka nagrebelde na. Ang bigat kasi nun. Gets mo pa yung mga breadwinner na wala nang maasahan, wala nang parents. Pero kay Shuvee, meron naman siyang magulang, and yet may isang line siya sa episode na sinabi niyang “parang bata” yung parents niya. Kung iisipin mo, posible naman na makahanap pa ng trabaho parents niya at magpakamagulang talaga, pero si Shuvee, gets nya na agad na kung hindi siya kikilos, walang mangyayari sa kanila magkakapatid. Very selfless na tao.
Isa pang bagay na dapat i-admire sa kanya: kahit walang opportunities noon, nung may kumatok, ginrab niya agad at inalagaan.
On the technical side, feeling ko medyo rushed yung storytelling, maybe dahil sa time slot at schedule. Nabtin lang ako. As someone na island girl din, umaasa rin ako na makakakita ng shot na nasa dagat siya mismo o mas maraming probinsya feels with cinematic shots.
For the acting, si Shuvee as a newbie, ramdam ko na yung emosyon niya sa bawat eksena. Siguro mas kakailanganin pa ng focus o stronger presence, pero kita mo na yung potential niya. Maybe kasi personal at close to her heart talaga ang project na ‘to. Kay Christian Antolin as Tito Yuri, ang galing — hindi niya nasasapawan si Shuvee, and that’s a great skill as a supporting character.
Anyway, gusto ko lang i-share sa inyo. Mga 3 years ago yata nung first time kaming nag-meet. Baka yun yung time na na-invite siya sa Manila para simulan ang showbiz career niya. Event yun ng GMA and TikTok kung saan content creators pwedeng makipag-collab sa mga artista.
Noon pa lang, approachable na siya at kalog. Kahit sa mga recent events na nagkita kami, walang ere, walang ulong lumaki. Disclaimer lang, hindi ko pa siya ulit nakikita after ng PBB stint niya, but I’m really looking forward.
Ewan ko if Shuvee remembers this, pero every time magkikita kami sa events, sinasabi ko talaga na magaling siya. One time pa nga sinabi ko na sisikat siya — kasi pag na-meet niyo siya in person, iba yung aura. Yung ganda niya hindi nakakasawa, charismatic, at the same time genuine na mabait.
So ayun mga kamag-anak, if you want to know what made Shuvee shine, available pa rin for streaming ang Pinoy Big Bread Winner story niya sa Magpakailanman.