Nightline News

Nightline News "TOTOONG BOSES NG BAYAN"
(15)

RESPECT THE JUDICIAL PROCESSAllegations from Atty. Kristina Conti against Duterte supporters are untrue — Atty. Nicholas...
01/07/2025

RESPECT THE JUDICIAL PROCESS

Allegations from Atty. Kristina Conti against Duterte supporters are untrue — Atty. Nicholas Kaufman, legal counsel of FPRRD to the ICC

01/07/2025

Sa harap ng nalalapit na pagsusumite ng P6.793 trilyong proposed budget para sa taong 2026, nanawagan ang ilang senador at opisyal ng Senado na gawing mas bukas at transparent ang budget process — kabilang na rito ang pagbubukas ng Bicameral Conference Committee Deliberations sa publiko.

Layunin nitong palakasin ang tiwala ng taumbayan sa paggamit ng pondo ng bayan. | via Troy Gomez

01/07/2025

May maaasahang ginhawa ang mga motorista, lalo na ang mga public utility driver, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Inanunsyo ng Department of Energy na na-consolidate na nila ang mga discount program ng iba't ibang kumpanya ng langis—na karamihan ay nakatakdang ipatupad ngayong ikatlong quarter ng taon. | via Cresilyn Catarong

01/07/2025

Mahigit 900 indigent students sa Lanao del Sur ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Ministry of Social Services and Development o MSSD.

Samantala, 82 karagdagang Mercury Drug branches ang tatanggap na ng DSWD Guarantee Letters simula Hunyo 30, para sa mas pinalawak na serbisyo sa mga benepisyaryo.

At sa Pandan, Antique, 200 benepisyaryo ang tumanggap ng cash aid mula sa DSWD sa ilalim ng kanilang climate resiliency program. | via Vhal Divinagracia

01/07/2025

May bagong anggulo sa kaso ng 34 nawawalang sabungero—at sa pagkakataong ito, may lumulutang na pangalan mula sa mundo ng showbiz.

Kumakalat sa social media ang pangalan ng aktres na si Gretchen Barretto bilang isa umano sa mga sangkot.

Ngunit ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi pa ito kumpirmado at patuloy pa ang beripikasyon ng mga impormasyon. | via Margot Gonzales

01/07/2025

Iginiit ng isang political analyst na sa kabila ng halos tatlong taon sa puwesto, wala pa ring matatawag na legasiya o flagship project si Pangulong Marcos Jr. na tunay na maiiwan niya sa pagtatapos ng kanyang termino. | via Jayne Codnita

01/07/2025

Isang makasaysayang tagumpay sa pangangalaga ng kalikasan ang naabot sa lalawigan ng Cebu, matapos makapagtanim ng higit isang milyong punla ng puno sa loob lamang ng tatlong taon — mas maaga ng pitong taon sa itinakdang target ng maka-kalikasang programa. | via Jimrey Biosa

01/07/2025

Patuloy ang pagsikat ng Kalanggaman Island sa Palompon, Leyte bilang isa sa mga pangunahing eco-tourism destinations ng Pilipinas—hindi lamang sa mata ng mga lokal na turista kundi pati ng mga dayuhang sakay ng international cruise ships. | via Cherry Light

01/07/2025

Tiniyak ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla na hindi na pakikialaman ng lokal na pamahalaan ang isyu ng mataas na pamasahe sa eroplano ngayong ipinatutupad ang rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Paliwanag ng gobernador, unregulated ang presyo ng airline tickets at nasa desisyon pa rin ng pasahero kung saan bibili ng mas abot-kayang biyahe. | via Cherry Light

Pabor ka ba na gawing mas transparent sa publiko ang pagsusuri ng National Budget sa bicam?
30/06/2025

Pabor ka ba na gawing mas transparent sa publiko ang pagsusuri ng National Budget sa bicam?

30/06/2025

LIVE: SMNI Nightline News with Pol Montibon and Almar Forsuelo | June 30, 2025 - Lunes

HEADLINES

• Publiko, binalaan sa mga alegasyong may tumanggi na sa Interim Release ni FPRRD

• Mga mambabatas pabor sa publikong pagdinig ng Bicam sa budget

• Gretchen Barretto, lumulutang sa kaso ng nawawalang sabungero; Department of Justice sinabing hindi pa ito kumpirmado

• Pahayag ni DILG Sec. Remulla sa seguridad, lalong nakasama sa turismo, ayon sa Philippine Hotel Owners Association

Ngayong June 30, personal na inihain ni Senator B**g Go ang kanyang Top 10 panukalang batas Para sa 20th Congress Kabila...
30/06/2025

Ngayong June 30, personal na inihain ni Senator B**g Go ang kanyang Top 10 panukalang batas Para sa 20th Congress

Kabilang dito ang mga sumusunid:

1. Expand Tertiary Education Subsidy;
2. PhilHealth ID Health Card;
3. Regionalize the National Academy of Sports;
4. New Medical Technology Law;
5. Department of Disaster Resilience;
6. Indigent Jobseekers Assistance;
7. Across-the-board Wage Hike;
8. Mental Health Offices in SUCs;
9. Rural Employment Assistance or TUPAD Bill;
10. Magna Carta for Barangays

Address

Makati City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nightline News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share