20/12/2025
Nag-chat ang kapitbahay ko, may kasamang litrato. Tanong niya, "Uy... a*o mo ba 'to?"
Nu’ng una, handa na sana akong itanggi, pero bigla ko siyang nakita sa terrace. Nakatayo siya doon na parang siya ang may-ari ng buong barangay—at ang malupit pa, may hawak siyang hollow block.
Sabi ko sa kapitbahay ko, "Huwag kang mag-alala, hindi 'yan nangangagat!"
Sumagot siya, "Alam ko. Ang problema, nam babato siya ng hollow block sa mga dumadaan!"
Sa totoo lang, hindi na siya nagbabantay ng bahay. Ang tingin ko, galit na talaga siya sa lipunan.