Hanna Grace

Hanna Grace mga tula at alaala

13/08/2025

Lord, gusto ko rin niyan.

13/08/2025

"For I know the plans I have for you," declares the Lord.
His plans > our plans. Stop asking Him to bless your blueprint and start asking to see His masterpiece.

My name is Mike Signorelli, founding lead pastor of V1 Church. I pray this content blessed you and ignited something in your spirit. Hit follow and let’s keep walking this journey of faith together!

13/08/2025

mapapasulat na naman ng tula

13/08/2025

i met you one time, pero tinamaan na yata ako

matagal-tagal na rin simulanang huli akong sumulat ng tula,di ko alam, marahil ay naubusan lang ng salita,nawalan ng ins...
12/08/2025

matagal-tagal na rin simula
nang huli akong sumulat ng tula,
di ko alam, marahil ay naubusan
lang ng salita,
nawalan ng inspirasyon,
nawalan ng gana,
nawalan ng paksa at musa,
na pag-aalayan nitong mga salita,
na parang umaapaw sa damdamin,
kaya maaari bang,
ikaw na muna,
ang maging paksa ng tulang ito,
hanggang sa maubos ang mga salita,
na matagal kong kinimkim,
na matagal kong hindi maisatitik,
at nanatiling malabo,
hanggang sa dumating ka,
at nang dumating ka,
luminaw bigla,
nagkaroon ng anyo ang mga salita,
at ang nararamdaman,
at ang damdaming nais ipaalam,
—na gusto kita simula pa n'ung una.

ang pag-ibig ay hindi palaging nararamdaman,ito ay isang katotohanan,ramdam mo man o hindi,maniwala kang minamahal ka.an...
12/08/2025

ang pag-ibig ay hindi palaging nararamdaman,
ito ay isang katotohanan,
ramdam mo man o hindi,
maniwala kang minamahal ka.

ang pag-iibig ay hindi palaging nararamdaman,
ito ay pinatutunayan,
sa kilos, sa desisyon,
sa sakripisyo,
at dahil dito,
batid mong minamahal ka.

ngunit ewan,
di ko alam,
nakakalito minsan ang depinisyon ng pag-ibig,
at pa'no mo nga ba maipapakita sa tao,
na iniibig mo siya?
at pa'no mo maipararamdam?

'yung pag-ibig minsan kalmado,
minsan parang nag-aalburutong bulkan,
minsan parang puno sa panahon ng taglagas,
minsan parang bulaklak na mamumukadkad,
nakadepende siguro ang pag-ibig sa umiibig,
pero sa ngayon,
malinaw sa'kin,
ang pakikipagtalik ay
hindi ekspresyon ng pag-ibig,
at kung ito ay man ay totoo nga,
ang pakikipagtalik siguro ang pinakamababang ekspresyon ng pag-ibig ng tao.

gusto ko 'yung singkit mong mata,lalo na kapag ngumingiti ka,at di mo na ako nakikita,at nung una nga tayong nagkita,nab...
12/08/2025

gusto ko 'yung singkit mong mata,
lalo na kapag ngumingiti ka,
at di mo na ako nakikita,
at nung una nga tayong nagkita,
nabighani ako bigla,
sa mga mata mo at sa ngiti mo,
kaso bawal... kaso hindi pwede.

isang araw nga sabi mo,
na maganda rin ang mga mata ko,
hinawakan mo 'yung kamay ko,
at sinabing "gusto kita",
pinagtapat ko nga rin,
na gusto kita,
kaya lang bawal at hindi pwede.

isang gabi sa balkonahe,
lumapit ka't nagtanong,
kung kumusta ako,
wala akong naisagot kundi luha,
kaya niyakap mo ako nang kay higpit,
ngunit agad ding bumitiw,
kasi bawal at hindi pwede.

kaya itatago ko na lang,
ibabaon sa limot itong nararamdaman,
dahil ayokong saktan,
ang taong umiibig sa'yo,
na itinuturing ko ring kaibigan,
—kaya paalam, sa damdaming ibabaon sa kailaliman.

i want a man to fall in love with my heart, mind and soul. not my beauty. because beauty is superficial, and it does not...
07/08/2025

i want a man to fall in love with my heart, mind and soul. not my beauty. because beauty is superficial, and it does not last for eternity.

and to this day, i pray,
whoever says to me,
"i'm in live with your heart, mind and soul",
let that man be,
whom God has bethroted to me,
let him be my husband,
my helper and my provider,
as God is to me.

may he be my safe anchor,
my refuge amidst the storm,
and may he be my safe haven,
my peace and joy,
and to him shall i also say,
"i'm in love your heart, mind and soul".

21/07/2025

di ko inisip na mawawala ka pa

21/07/2025

He is the kind voice that you hear when the world is condemning you. He is the quiet voice that comforts you and says "I'm still here".

nakagawa ako ng isang pagkakamali.totoo pala ang sabi nila, na karamihan sa mga lalaki ay sinungaling. hindi naman lahat...
21/07/2025

nakagawa ako ng isang pagkakamali.

totoo pala ang sabi nila, na karamihan sa mga lalaki ay sinungaling. hindi naman lahat, hindi ko nilalahat. sila lang nanakatagpo ko. sila na pinagkatiwalaan ko.

kinuha ang loob ko at pinaikot para makuha kung ano ang gusto nila.

kaya ikaw, huwag kang basta-basta magtitiwala. you deserve someone who is honest and genuine. deserve mong mahalin at alagaan. deserve mong ingatan kasi mahalaga ka.

—h.g.
🌻🍂🍃

21/07/2025

"dapat mas mahal ka."

teh di nga ako mahal. walang pagtingin. friends lang daw.

tigilan mo na 'yan!!!

Address

Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hanna Grace posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share