31/08/2025
Alam n’yo ba, sa simpleng pagdadala ng eco bag, reusable containers, o tumblers, hindi ka lang nakakatipid, nakakatulong rin sa kalikasan?
Ang plastic, mura at matibay… pero problema, umaabot ng 20 hanggang 500 years bago ma-decompose. At hindi talaga ito nawawala, nagiging microplastics lang.
Kapag sobrang dami at mali ang pagtatapon, bumabara ito sa kanal, nagdudulot ng baha… at kung saan-saan din naaanod hanggang dagat.
Doon, napagkakamalan pa itong pagkain ng marine animals… o kaya, nakakahalo mismo sa mga kinakain natin. Yikes!
Kaya importante ang disiplina: gamitin ulit, mag-recycle, at iwasan ang single-use plastics.