10/07/2025
Celebrating my 5th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
Nag umpisa ako mag stream sa phone dahil mahilig ako sa games.
Yun lang ang afford ko sa phone app kahit lag ang stream tuloy lang.
Hindi ko namalayan 5 years na itong page ko pero hindi naman ako sumikat.
Itong mga ginagawa ko hindi magpapatuloy kung walang PASSION.
Marami ang tumigil pero ako patuloy lang.
Nagpapatuloy hindi dahil walang napapala.
Patuloy padin ako kahit 5th years na hindi ko padin naabot ang 10K followers
Bakit nga ba ako nagpapatuloy kahit hindi naman ako kumikita?
Maaring may mga bagay tayong magkasingtulad/Magkagaya.
Mahilig ako sa maraming uri ng games,fishing,pagkuha ng video,picture taking.
Ginagawa ko yan lahat ng may PASSION upang magpatuloy sa buhay.
Libangan na may kasamang pag abot sa mga PANGARAP sa BUHAY.
Malaki na ang 1.5K follower's para sa akin,kumpara noong nag uumpisa pa ako.
Hindi ko hangad ang sumikat at makilala sa socmed para maging IDOL.
Binabahagi ko ang mga Libangan ko pangtanggal ng Stress at pampalipas oras.
Maaring maka relate kayo,ma inspire at magpatuloy sa buhay.
Magpatuloy sa Buhay ng may kalakip na?
PANANAMPALATAYA ,PAG-ASA at PAGMAMAHAL.
Mabuhay po tayong tayong lahat ng may?
~Pananampalataya sa DIYOS,upang hindi maligaw ng landas.
~Pag-asa na sanay makamit natin ang kanyang Pinangako,hindi sa makamundong Tagumpay.
~Pagmamahal sa Magulang at Kapwa gaya ng turo niya.