17/06/2025
Our Free Legal Assistance and Counseling (FLAC) is signing off...
Submission sa Office of the Clerk of Court ng last batch ng documents na notarized for Calendar Year 2024 up to June 2025. Bawat dokumento po ninyo ay inalagaan at ini record ng maayos, kaya makakasigurado po kayo na may kopya sa OCC ng San Pablo City kung sakaling kailanganin ninyo ng Certified True Copy, in the future.
Sa mahigit 200,000 na indigent Lagunenses na naging beneficiaries natin ng Free Legal Assistance for 11 years, bagamat walang gastos ang gobyerno sa programang ito, naging mas makabuluhan naman ang aking panunungkulan bilang inyong Bise Gobernador sapagkat ito ay kusang loob at kusang gastos ng inyong lingkod na ipinagkaloob sa inyo, bilang isang abogado.
Sa ngayon, itinitigil po muna natin ang ating programa, upang magbigay galang sa mga bagong halal na opisyal ng ating lungsod at lalawigan. Personal din po natin inuupahan ang ating extension office sa San Pablo City bilang inyong Bise Gobernador, kaya wala na pong dahilan para ipagpatuloy ito.
Hindi po lahat ng abogado ay nakakapag notaryo. Kailangan po namin mag submit ng requirements, kumuha ng kaukulang permit (Notarial Commission) sa husgado at personal na bumili ng notarial books sa Supreme Court, upang gawin ito. Lately, kailangan na rin po bumili at magdikit ng documentary stamp kada dokumento, bilang pagsunod sa tagubilin ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Maraming salamat sa aking mga kapatid na abogado sa Laguna sa inyong pang-unawa, at sa mga kapwa abogado na sumuporta sa naging programang ito ng inyong lingkod.
Maraming Salamat Lagunense, ito po ang inyong FLAC Program, signing off 😘❤️