
27/03/2025
Nag isip ba talaga si zero remittance.. isipin mo zero remittance for 1 week . Pero nag padala na before at may mag after pa.. ano to para sabihing babagsak ang economy.. haha wag na tayo mag lukuhan .. kung nagpadala kayo ng after at before may mababago ba sa economiya.. wala naman eh.. ok nakapagpakita kayo ng suporta Pero sino ba yung nagdusa. Wala naman yan saysay kung magpapadala lang din kayo. Try nyo 1 year baka nga may epekto.. Pero 1 week ano yan tangahan
Umapela ang Malacañang na maging kalmado ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga ulat na may ilang grupo ng overseas Filipino worker (OFW) na nagpaplano ng "zero remittance week" upang iprotesta ang kanyang pag-aresto.
“Pero siyempre po, kung hindi po sila magkakaroon at hindi sila mag-remit ng kanilang mga maaaring ipadala sa mga pamilya nila, hindi lamang po gobyerno ang maaapektuhan, pati ang kanilang mga pamilya. So, sana po ay maging mahinanon tayo sa ganitong mga klaseng issues,” Ani Castro.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang magiging epekto ng naturang plano ay makakaapekto sa ekonomiya ng bansa at sa pamilya ng mga OFW.
Muling iginiit ni Castro na ang mga awtoridad ng Pilipinas ay sumunod lamang sa batas sa panahon ng pag-aresto sa dating Pangulo.
“Of course, mas gugustuhin po natin na maging mahinahon ang bawat Pilipino sa ganitong klaseng isyu. Sana po ay malaman din po nila na ang pamahalaan at ang gobyerno ay tumutupad lamang sa ating batas. At may mga Pilipino rin naman po na nagreklamo, nag-file ng complaint laban sa dating Pangulong Duterte, sana ay maging patas din po sila sa kanilang pananaw para po maibsan ‘no ang anumang puwedeng kahinatnan ng kanilang gagawin,” saad ni Castro.