
15/05/2025
"ANG ASAWA KONG MAHILIG MAMBABAE"
C H A P T E R _T H R E E
Pag katapos naming mag hapunan kaagad namang nag paalam ang parents ni drie na uuwi na kaya hinatid namin sila ni drie sa gate.
"Bye po mommy ingat po kayo..." usal ko habang kumakaway pa sa kanila.
Habang si drie naman ay seryosong nakatingin saakin habang sinasara niya ang gate di ko nalang sya pinansin at kaagad na tumalikod at nauna nang pumasok.
Kaagad akong nag tungo sa kusina at nagligpit nang pinagkainan namin at habang nag liligpit ako nang kinainan namin ayy nakita ko syang nakatayo sa pintuan at mukang wla ito sa sarili.
Parang ang weird niya simula nung dumating ang parents niya dito ehh mukang naging seryoso na sya hahaha seguro namimiss niya lang ang babae niya kaya nagkakaganyan sya muka syang magkakasakit sa lagay niya ngayon hahahahah
Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil muka talagang syang problemado na ewan ehh para syang magkakasakit
"WHAHAHAHAHA anong muka yan drie para kang unggoy na namomroblema dyan hahahah first time kung makita kang ganyan hahaha natatakot kaba na mahuli ka nila ha?! ..."
"Tskk can you shut up.."
Hala iritado nanaman sya hahaha pero susulitin ko na ang oras na to na naiinis ko sya kasi sa mga sususnod na araw ehh ako nanaman ang iinisin nito malamang
"Arayy hahaha grabi namang titig yan nakakamatay hahaha ganyan ba ang epekto kapag di mo nakikita ang babae mo hahahaha..."
Nanatili parin itong nakatayo at masamang nakatingin saakin hayst ano ba ang ginawa ko sa kanya bat ganon sya makatingin? Hayst pero di ko na iisipin yon dagdag problema lang kung iisipin ko pa ang bagay na yon.
Tinuloy ko na ang pagliligpit at hinugasan ang mga kinainan namin.
Nang matapos akong mag ligpit at mag hugas ayy kaaagad akong umakyat sa kwarto ko at nag bihis na nang pantulog para naman ready to sleep na diba hahahaha
"Hayst nakakapagod ang araw nato.."mahinang usal ko nang biglang nag ring ang cellphone ko .
Kaya kaagad ko itong kinuha at tingin