14/07/2025
SB19, BUMUHOS ANG PAPURI DAHIL SA PAGIGING HUMBLE KAHIT SUMISIKAT PANG LALO ANG GRUPO
Habang lalong sumisikat nga raw ang grupo ay lalong nagiging mabait ang mga ito. Lahat ng mga taong tumutulong sa grupo ay naa-appreciate raw nina Stell, Felip, Justin, Josh, at Paolo. Sa San Francisco show nga nila ay sobrang puring-puri ng mga nakasama nila ang limang miyembro ng SB19.
Ang mga kaibigan namin na naging parte ng ‘Simula at Wakas’ show nila sa Fox Theatre sa Redwood City ay nagkuwento kung gaano kababait at magandang makisama sina Stell, Felip, Justin, Josh, at Paolo.
Hindi nga raw ipinaramdam ng lima sa mga nakasama nila sa kick-off show nila sa Amerika na paimportante at sikat sila. Normal lang daw ang mga ito at grabeng magpasalamat sa mga nakasama nila roon.
“Darling, ganoon talaga sila kababait. Kaya silang lima ang bias ko,” sey ni Anna.
Malayo nga ang SB19 at mukhang mas marami pa sila mararating . Anong masasabi niyo mga ka-PPOP?
Source: Abante