31/08/2025
: NASIRANG SHEET PILES SA RIVERWALL NG PAMPANGA, WINELDING LANG AYON SA REPORT NG KMJS
To read the article, read the caption of the photo below or click this link below:
https://www.facebook.com/share/p/14JcM4o9TYQ/
: NASIRANG SHEET PILES SA RIVERWALL NG PAMPANGA, WINELDING LANG AYON SA REPORT NG KMJS
Naglabas ng part 2 ng kaniyang report ang award winning journalist na si Jessica Soho tungkol sa mga flood control project sa ilang lugar na pinuntahan nila. Sa August 31, 2025 Episode ng programa niyang 'Kapuso Mo, Jesica Soho', tinalakay niya ang ilan pa sa mga lugar na gumuho ang ginawang d**e at natuklasang di maayos at sub-standard ang materyales na ginamit.
Pero sa mga pinuntuhan ni Ms.Jessica, isa sa kapuna-punang flood control project ay ang konstruksyon ng Riverwall sa Brgy.Candating, Arayat, Pampanga na ayon sa report ay umabot sa P254,000,000. Ngunit, nakakalula man ang budget na nilaan dito ay gumuho ang mga sheet piles na nilagay doon ng contructor. Ang contractor ay tinukoy na 'Eddmari Construction and Trading'.
Ginawan naman ng paraan yan ng contractor, pinutol nila ang mga sheet piles na bumuwal tapos winelding nila na pantay sa ibang buo pang sheet pile. Pero nung tanungin ni Jessica ang kasama niyang eksperto na si Engr.Juan Paulo Bersamino na isang Structural Engineer, Hindi siya kumbinsido sa ginawa nilang ito.
"In my standard, hindi siya maganda, because, unang una, naka-lean na, bakit mo pa hihinangin vertically? structurally hindi siya stable. Kasi irregular na yung geometry niya, May tendecy siyang mag fail in the future."
Tinanong naman ni Jessica sa trabahador bakit may welding...
"Ano po kasi yan ma'am, nakahiga na 'yan eh. Para maganda daw, pina-repair ng Public Works. Tinayo namin. May plate pa po yan para matibay.", paliwanag ng trabahador.
"Ano ho 'to hindi na papalitan yung sheet piles na bumigay, ire-repair na lang, ganun ho yun?!", tanong muli ni Jessica Soho.
"Iyon po ang order sa amin", sagot naman ng trabahador.
Nung pinuntahan ni Jessica ang opisina ng Pampanga 1st District Engineering Office ng DPWH para kunin ang panig nila pero nasa seminar daw ang mga opisyal. Pinuntahan din nila ang kontraktor na Eddmari Construction and Trading, sa San Luis, Pampanga. Pero tumanggi sila magbigay ng pahayag sa KMJS team.
Sana isa din ito sa maimbestigahan ng Senado. Grabeh ang mga balitang ito, Dapat talaga may managot sa pangyayaring ganyan. Anong masasabi niyo mga ka-trending?
Source: KMJS