The Nexus Campus Media

The Nexus Campus Media The word ‘Nexus’ means connection, a link, the central and most important point.

The Nexus Publication, being the official school paper of Potrero National High School, serves as the learners' avenue to speak up their minds and their hearts about certain topics that capture their interest and that matter in the academic community. As it opens its new portal through social networking, this Nexus official page highlights significant events and other information that help student

s be updated with what is latest in school, community and country in general. While the entire PNHS continues to encourage 21st century learners to be more observant and expressive, the Nexus will also carry on its ultimate goal to develop students' power of thinking and to strengthen their imagination, that is, to tap the potentials of all the aspiring student-journalists no matter how hard it may seem to be. With our mission to defend the truth and safeguard the accuracy, the Nexus is determined to empower future leaders and resilient communities through responsible campus journalism.

11/06/2025

📣📣Balik-eskwela na!

Simula na ng bagong yugto! 📚✨
Ang SOFT OPENING NG KLASE ay isasagawa sa Hunyo 13, 2025 — siguraduhing alam ninyo ang inyong iskedyul! ⏰

Narito ang iskedyul ng bawat baitang:

📍Baitang 7 at 10
6:00 AM to 12:20 PM

📍Baitang 8 at 9
12:30 PM to 6:50 PM

📍Baitang 11
6:00 AM to 1:30 PM

📍Baitang 12
6:00 AM to 12:30 PM

Magsuot ng tamang uniporme, para sa Baitang 7 o sa mga wala pang uniporme, maaring magsuot ng puting t-shirt at maong pants. Dalhin ang mahahalagang gamit, at higit sa lahat — maging handa sa panibagong taon ng pagkatuto!

Tara na’t sabay-sabay nating simulan ang taon nang may sigla at disiplina!



13/05/2025
🙏🏻🕊️
18/04/2025

🙏🏻🕊️

Isang taos-pusong pasasalamat at pagpupugay kay G. Felicisimo “Tony Jhun”Salvo Jr. sa mahigit labinlimang taon ng tapat na paglilingkod at pag-aalay ng kayang puso at dedikasyon sa mga mag-aaral ng Potrero National High School.

Ang iyong sipag at malasakit ay tunay na hindi matatawaran. Mula sa pagpapanatili na maayos ang mga halamanan at gulayan ng paaralan, sa pagiging “early bird” mo sa pagpasok, sa pagtatahi at paggawa ng ribbon at lei tuwing recognition at graduation, hanggang sa pag-repair ng blouse at pants ng mga kasamahan mo at syempre sino ba ang makalilimot ng masarap na laing na luto mo? Maraming salamat po, Sir Salvo!

Hindi po namin malilimutan ang iyong ambag, presensya, kabaitan at pagmamahal sa ating paaralan. Hindi paalam, kung hindi hanggang sa muling pagkikita sa paraisong wala ng sakit at hapis.

Baunin mo ang aming panalangin ng kapayapaan. Patuloy na magiging buhay sa aming gunita ang iyong mga alaala.

Hanggang sa muli, Sir Salvo! 🙏🏻

📣
14/04/2025

📣

Calling all incoming Grade 11 and Grade 12 senior high school students!
Enroll now at Potrero National High School - Senior High School and make us part of your SHS journey!
There are 2 ways to enroll to make your enrollment hassle free and easy!
So what are you waiting for? Enroll now!

09/04/2025
09/04/2025

📣NEW VIDEO UPLOAD!📣

NEXUS NEWS | Potrero NHS Alumni Gather for a Heartfelt Tribute to Educators

Kylla tells us about the Potrero National High School Batch 2004 reunion.

07/04/2025

THE PAGTATAPOS SZN IS HERE ! 🎓✊

Nasabihan mo na ba ang mga magulang mo tungkol sa gaganaping seremonya ng pagtatapos ngayong linggo ? Kung hindi pa, tingnan ang mga sumusunod na petsa, oras, at lugar na pagdarausan ng pinakahihintay nating panahon !

RECOGNITION
April 8, 2025
STI
7:30am

MOVING UP
April 10, 2025
Malabon Sports Complex
4:00pm

GRADUATION
April 11, 2025
Malabon Sports Complex
1:00pm

Kita-kits sa mga may parangal at magsisipagtapos ! Lubos ang aming pagbati sa mga mag-aaral ng Potrero, tunay ngang basta batang Potrero, panalo !


23/03/2025

KAMPUS BALITA | F2F na klase, muling ipatutupad sa Malabon

Muling ipatutupad ang limang araw na face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Malabon simula Marso 24, 2025, matapos bumalik sa normal ang heat index rates sa lungsod.

Ayon sa Division Memorandum No. 33, s. 2025, nagkaroon ng konsultasyon sa mga punong-g**o, g**o, magulang, at iba pang kinatawan ng paaralan. Napagkasunduan na ligtas nang ipagpatuloy ang full in-person classes matapos bumaba ang temperatura sa normal na lebel.

Gayunpaman, nilinaw ng DepEd na walang awtomatikong suspensyon ng klase dahil lamang sa matinding init. Sakaling maging labis ang teamperatura, ang Local Chief Executive (LCE) ang may kapangyarihang magpatupad ng localized class suspension depende sa sitwasyon sa lugar.

Ang hakbang na ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagsusulit at upang matiyak ang pagsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2024 o ang Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities for the School Year 2024-2025.

Samantala, ipinapaubaya sa mga pampribadong paaralan ang desisyon kung ipagpapatuloy nila ang full face-to-face classes batay sa kanilang sariling regulasyon.

Ang memorandum ay pirmado ni Schools Division Superintendent Cecille G. Carandang, CESO V, at agad nang ipatutupad sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

11/03/2025

📣NEW VIDEO UPLOAD!📣

NEXUS NEWS | MALABON STUDENT JOURNALISTS EXCEL AT 2025 REGIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE

Alfred brings us insightful coverage of the RSPC 2025 awarding ceremony's highlights.

07/03/2025

TINGNAN | Nexus Radio Broadcasting Team, nag-uwi ng parangal sa RSPC 2025!

Muling pinatunayan ng Nexus Radio Broadcasting Team ng Potrero National High School ang kanilang husay sa larangan ng pamamahayag matapos makapag-uwi ng dalawang natatanging parangal sa 2025 Regional Schools Press Conference (RSPC).

Ginawaran ang grupo ng 2nd place sa Best in Radio Scriptwriting at 4th place sa Best in Radio Technical Application, sa patnubay ng kanilang g**ong tagapagsanay na si Gng. Paula S. Yaptangco.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon at sipag ng mga kasapi ng pangkat:
Daniel Valdez, Jhon Alfred Vargas, David Nethaniah Valles, Alexander Zangief Escaner, Jheanne Enciso , Athena Lusyl Aquino, at Reema Jade Lucil Garcia.


Address

Dunwoody Street , University Hills Subd. , Potrero
Malabon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Nexus Campus Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Nexus Campus Media:

Share