16/07/2025
DEAR PARENTS,
Kahalagahan ng Kwento:
โAko ay may T**i"
Akda ni Genaro Ruiz Gojo Cruz
"Ako ay may Kiki"
Akda ni Glenda Oris
Para sa mga magulang ng mga batang Kindergarten.
Dear Parents,
Isa po sa mga kwentong ginagamit namin sa klase ay ang โAko ay may T**i at Ako ay may Kikiโ โ isang simple ngunit makabuluhang aklat pambata na tumutulong sa mga bata na makilala, tanggapin at irespeto ang kanilang katawan.
Narito po ang mga layunin at benepisyo ng paggamit ng kwentong ito sa storytelling time:
๐ก 1. Tamang Pangalan para sa Katawan
Tinuturuan ang bata na gamitin ang tamang salita tulad ng "t**i" at "kiki" sa halip na code names. Ito ay para maging komportable at totoo ang usapan tungkol sa sarili nilang katawan.
๐ก๏ธ 2. Proteksyon Laban sa Pang aabuso
Kapag alam ng bata ang tamang pangalan ng kanilang katawan, mas kaya nilang magsabi agad kung may hindi tamang nangyayari. Ito ay mahalaga para sa child safety.
๐ง 3. Pag-unawa sa Sarili at sa Iba
Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa kahalayan, kundi tungkol sa pagpapaliwanag ng natural na pagkakaiba ng katawan ng babae at lalaki. Ito ay hakbang sa gender respect at inclusivity.
๐ฃ๏ธ 4. Bukas na Komunikasyon
Nagiging normal at healthy ang usapan tungkol sa katawan sa bahay at sa paaralan. Kapag sanay ang bata sa open communication, mas magiging mapagkakatiwalaan sila at mas magtatapat sa mga magulang o g**o.
๐ 5. Pagtibay ng Tiwala sa Sarili
Ang batang may kaalaman sa kanyang katawan ay nagiging mas confident, mas aware at mas marunong mag-ingat.
๐ค PAALALA SA MGA MAGULANG:
Maaaring medyo awkward pakinggan sa umpisa, pero ang layunin ng kwentong ito ay edukasyon, proteksyon at respeto. Maari ninyong ipagpatuloy ang kwento sa bahay sa paraang komportable para sa inyong anak.
Maraming salamat po sa inyong suporta sa holistic learning ng inyong anak!
Teacher Carla