31/05/2026
Para sa next Generation ng influencers/vloggers. Hindi niyo po kailangan maghubad, maging toxic, gumawa ng gulo, ipakita yung bakat niyong kepay etc para ulanin kayo ng likes o para mapansin ng brands o para kumita.
Nasa likod lang po ako ni Mommy Diaries PH palagi. Tamang vlog tamang content. Never ako naghangad na mag viral palagi. Nilalabas ko lang yung idea o kung sino ako.
Kaya natutuwa ako sa tuwing may mga brands na nakakapansin. Para sa mga Brands po na nagtiwala pasasalamatan ko kayo hindi para sa akin.
Salamat dahil sa inyo makikita ng mga next generation ng influencers/vlogger na hindi lahat kailangan maging toxic para dumami yung likes para lapitan ng brands.
Hindi lahat kailangang maghubad para dumami yung likes para mapansin ng brands.
Dahil sa tiwalang binigay ninyo sa page ko na kahit hindi boom ang posts palagi eh nabigyan ninyo ng idea yung mga susunod na generation na hindi naman pala kailangang gawin yung mga negative na bagay para mag viral.
Maaaring mag tunog “mayabang” para sa iba pero para maintindihan lang ng lahat mas malaki yung bayad ng brands kumpara sa kikitain mo sa views.
Punong puno na yung Social media ng stressful contents, punong puno na yung social media ng halos mga nakahubad, punong puno na yung social media ng toxic etc kasi kapag ganyan ginawa mo umaani agad ng likes.
Kaya ayun ginawa na ng lahat.
Kaya sa tuwing nakakakita ako ng content creators na goodvibes, walang kalaswaan etc. hindi ako nagdadamot pindutin yung like button.
Supporta ko yun sa mga nagsisimula. At muli sa mga brands na nagtiwala sa akin salamat sa inyo from the bottom of my heart yan.
Dahil sa inyo maraming mag kaka idea na hindi lahat kailangang naka panty, maging toxic, maging nakakainis, para lapitan ninyo.
Hindi kailangang mag viral.
Sapat na yung kakaunti pero alam mong may matututunan sayo yung maaabot ng page mo. đź’Ż