Secu-Malabon

Secu-Malabon Provides Operational Support and Technical Assistance in providing Explosive and Ordnance Specialized Services within AOR

We Ensure Safety

24/05/2025
23/05/2025
23/05/2025

PNP, MAS PINAIGTING ANG MALAWAKANG OPERASYON KONTRA ILEGAL NA DROGA; MALALAKING SINDIKATO AT STREET-LEVEL OFFENDERS, TINUTUTUKAN

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihin at paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtugis hindi lamang sa mga malalaking sindikato kundi pati na rin sa mga street-level na sangkot, nagsasagawa na ng mas maigting na hakbang ang Philippine National Police (PNP) upang palawakin ang saklaw at lalim ng operasyon kontra ilegal na droga sa buong bansa.

Bunga nito, nagtala ang PNP ng mga makabuluhang tagumpay sa loob lamang ng dalawang linggo, mula Mayo 4 hanggang Mayo 17, 2025. Umabot sa 664 na anti-illegal drugs operations ang isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 588 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga. Nasamsam sa mga operasyon ang kabuuang 2,082 gramo ng shabu at 23 gramo ng ma*****na na may tinatayang halagang Php14,162,488.40 batay sa Standard Drug Price.

Binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, na nananatiling pangunahing prayoridad ng organisasyon ang kampanya kontra ilegal na droga at ito’y ipatutupad nang agresibo sa lahat ng antas.

“Buong puso naming tinutupad ang utos ng Pangulo. Hahabulin natin ang mga sangkot sa ilegal na droga mula sa malalaking sindikato hanggang sa maliliit na street pushers. Walang sinuman ang makakatakas sa batas, at sisiguraduhin naming ang mga sumisira sa buhay at komunidad sa pamamagitan ng ilegal na droga ay mahuhuli, kakasuhan, at mapapanagot,” ani Chief PNP Marbil.

Upang higit pang patibayin ang kampanya, kasalukuyang tinatapos na ni bagong talagang Officer-in-Charge ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na si PBGEN Jason Capoy ang kanyang panukalang anti-drug strategy na isusumite kay Chief PNP sa mga susunod na araw. Layon nitong mapaigting ang kahusayan sa operasyon, intelligence gathering, at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

Bagama’t ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pa rin ang pangunahing ahensya sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga, tiniyak ng PNP ang patuloy at mas pinatibay na koordinasyon at pakikipagtulungan sa PDEA upang masigurong mas malawak ang epekto ng mga operasyon sa ground level.

Hinihikayat din ng PNP ang bawat Pilipino na makiisa sa kampanya sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at pagsasagawa ng ulat ukol sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa droga.

“Hindi lamang ito kampanya ng pamahalaan—ito ay laban para sa kinabukasan ng ating mga komunidad. Hindi aatras ang PNP. Magpapatuloy kami hanggang ang ating mga kalsada, mga pamayanan, at ang buong bansa ay ganap nang malaya sa salot ng ilegal na droga,” pagtatapos ni Chief PNP.


23/05/2025

Gospel: John 15:12-17
Reflection: “Chosen to Love!”
May 23, 2025

22/05/2025
22/05/2025

MAS MARAMING PULIS SA KALSADA: PNP PINAIGTING ANG PRESENSYA SA BUONG BANSA PARA SA MAS LIGTAS NA MGA KOMUNIDAD

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na binigyang-diin ang kahalagahan ng visible police presence bilang panlaban sa kriminalidad at bilang pagtiyak ng kaligtasan sa publiko, mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang presensya sa mga komunidad sa buong bansa upang maging mas visible at accessible sa mga pampublikong lugar.

Ang presensya ng kapulisan sa mga pamayanan ay hindi lamang nagsisilbing hadlang sa krimen, kundi nakatutulong din sa pagpapatibay ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa mga tagapagpatupad ng batas. Kaugnay nito, iniatas ni Chief PNP, Police General Rommel Francisco D. Marbil sa lahat ng yunit ng PNP sa buong bansa na paigtingin ang foot at mobile patrols, lalo na sa mga matataong lugar, pampublikong transport terminals, commercial centers, at mga pook-pasyalan.

Bilang bahagi ng Oplan SUMVAC 2025, kabuuang 69,657 pulis ang naitalang naitalaga upang magbantay sa Police Assistance Desks, Tourist Assistance Centers, at upang direktang tumulong sa publiko sa iba’t ibang lugar ng pagtitipon. Tinitiyak ng mga deployment na ang mga pulis ay nasa mga lugar kung saan sila higit na kinakailangan—sa kalsada at sa loob mismo ng mga komunidad.

Upang higit pang mapalakas ang presensya sa mga komunidad, aktibo ring pinakikilos ang mga force multipliers gaya ng mga miyembro ng accredited civic volunteer organizations (CVOs), barangay tanod, at iba pang katuwang sa komunidad. Ang mga katuwang na ito ay kaagapay ng ating kapulisan sa pagpapalakas ng presensya sa mga komunidad, pagtulong sa pagpapatrolya, at pagiging mahalagang tulay sa pagitan ng pulisya at ng mamamayang kanilang pinaglilingkuran.

Sa Metro Manila, nagsagawa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng dalawang araw na surprise inspection sa limang distrito nito upang masuri ang kahandaan sa operasyon at matiyak na gumagana nang maayos ang mga pulis post. Kabilang dito ang pagbisita sa mga assistance desks at patrol points sa mga komunidad.

Bilang dagdag suporta, ipinatupad ang sunod-sunod na Surprise Red Teaming Operations upang tiyakin ang aktuwal na presensya ng mga naka-duty na pulis, palakasin ang pananagutan, at itaguyod ang pagsunod sa mga deployment protocol—lalo na sa mga lugar na madalas dayuhin ng mga lokal at banyagang turista.

Upang lalong mapatatag ang presensya sa mga komunidad, pansamantalang inatasan ang mga junior officers mula sa mga mobile units na tumulong sa mga bakanteng community posts. Layunin nitong matiyak ang tuluy-tuloy na patrol coverage habang pinauunlad ang propesyonalismo at disiplina ng mga junior police leaders.

Muling tiniyak ni Chief PNP Police General Rommel Francisco D. Marbil ang pangako ng PNP sa kaligtasan ng bawat mamamayan:

“Nagsisimula ang pagpigil sa krimen sa presensya. Nais naming maramdaman ng bawat Pilipino na laging may handang tumulong — na laging may pulis na malapit, handang rumesponde, at handang maglingkod.”

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng PNP upang ilapit ang serbisyo ng pulisya sa taumbayan at maitaguyod ang kultura ng mabilisang tugon, propesyonalismo, at tiwala sa bawat komunidad.


goodjob blaster
21/05/2025

goodjob blaster

𝐏𝐍𝐏 𝐆𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐄𝐄𝐃S||
Responded to a drowning incident at Buena Park Resort, Caloocan City.

Good Job!

𝐑𝐄𝐂𝐔 NCR personnel exemplified extraordinary kindness and compassion by
responding to a drowning incident.

PMSg Jeffrey Cruz from SECU-Caloocan quickly checked the vital signs and performed first aid (CPR). Through the skill and determination of PMSg Cruz and the team, the victim was saved from drowning. Further the victim was promptly rushed to the nearest hospital for proper medical attention and speedy recovery.

This simple yet meaningful act of kindness reflects the compassion, quick response, and unwavering dedication of our police officers in serving and protecting the public, especially those in need.

RECU: NCR
OIC: PMAJ ALEJANDRO L PARTA

SECU-Caloocan
TL-PLT JULIUS A LORETO

𝙇𝙚𝙩𝙨 𝘿.𝙍.𝙄.𝙑.𝙀. 𝙩𝙤𝙜𝙚𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙞𝙣 𝙤𝙣𝙚 𝙙𝙞𝙧𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣!

𝐃-Discipline
𝐑-Respect
𝐈-Innovation
𝐕-Valor
𝐄-Excellence


21/05/2025

Address

C4 Road Brgy. , Longos, Malabon City
Malabon
1472

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Secu-Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share