07/10/2025
OKTUBRE 6, 2025 โ MALAPATAN, SARANGANI PROVINCE โ Ipinahayag ng Municipal Health Office (MHO) ang nakatakdang pagsasagawa ng School-Based Immunization (SBI) program ngayong taon. Ang anunsiyo ay isinagawa ni Butch Capunong, RN, Family Health Section In-Charge, sa ginanap na flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan. Dinaluhan ito ng buong LGU Malapatan, kasama ang mga opisyal na pinamumunuan ni Hon. Salway Sumbo Jr., MMPA, Municipal Mayor ng Malapatan.
Ang nasabing programa ay isang pinagsamang inisyatibo ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang masig**o ang kalusugan ng mga batang mag-aaral sa buong bansa.
๐
Ano ang mangyayari:
School-Based Immunization (SBI)
Kailan: Oktubre hanggang Disyembre 2025
Saan: Lahat ng pampublikong paaralan sa antas elementarya at sekondarya
๐ฏ Mga Target na Mag-aaral:
โข Grade 1 at Grade 7 โ Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (TD)
โข Grade 4 (mga babae lamang)โ Anti-Cervical Cancer (Human Papilloma Virus o HPV Vaccine)
๐ฉบ Layunin ng Programa:
โข Magbigay-proteksyon sa mga batang nasa paaralan laban sa mga Vaccine Preventable Diseases (VPDs) at posibleng pagputok ng mga sakit.
โข Itaguyod ang kabuuang kalusugan ng mga mag-aaral upang maging masigla at handa sa kanilang pag-aaral.
Ang Municipal Health Office ay nananawagan sa lahat ng magulang at g**o na suportahan ang naturang programa upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat batang Malapataรฑos.
โTara na, magpabakuna na! Sa Balik-Eskwela, Bakuna โ Iwas Pag-alala!โ