05/08/2024
๐๐ข๐ง๐๐๐ | ๐๐๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ, ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฌ ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐๐ฌ
โ๐ฎ๐๐๐
๐๐ ๐ฉ๐๐โ ng Pilipinas kung ituring si Carlos Edriel Yulo pagkatapos makamit ang dalawang gintong medalya mula sa magkahiwalay na aparatong Floor Exercise at Vault sa Artistic Menโs Gymnastics Finals sa Paris 2024 Olympics, pareho itong ginanap sa Bercy Arena.
Kamaraan lamang โ Sabado noong nasungkit ni Yulo ang unang medalya sa himnastika sa kategoryang floor excise kasunod ng pag-abot ng puntos na 15.000, hindi nagtagal nasundan din ito ng isa pang ginto sa aparatong vault nitong Linggo.
Naitala ni Yulo ang kabuuang iskor na 15.116 sa vault, gitna ng dalawang puntos na 15.433 at 14.800, itoโy sapat upang mahigitan ang 14.966 puntos ng ikalawang pwestong si Artur Davtyan ng Armenia, at ikatlong pwestong 14.949 ni Harry Hepworth ng Britanya.
โIโm so overwhelmed. Iโm feeling grateful for having this medal and for God. He protected me, as always. He gave me the strength to get through this kind of performance and perform this well,โ saad ni Yulo pagkatapos sungkitin ang naunang ginto.
Dagundong ni Yulo ang narinig ng buong arena matapos niya yariin ang gawain sa himnastiko, sa dalawang resulta, umaapaw na saya at kilabot ang emosyong naranasan ni Yulo pagkatapos kumpirmahing gintong medalya ang maiuuwi sa bansa.
Nakamit ng 24-anyos na dyimnasta ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas, hindi lamang sa 2024 Olympics, ngunit sa kabuuan ng himnastiko sa paligsahan โ tinuldukan nito ang tagtuyot na naranasan ng bansa sa pagkamit ng medalya sa Paris Games na nagsimula noong Hulyo 26.
Nagsilbing tulay ng Pilipinas si Yulo upang masungkit ang ikatlong gintong medalya, dagdag sa panahong nakamit ni Hidilyn Diaz ang unang ginto noong Tokyo Games sa Japan, sa kategoryang women's 55 kg ng weightlifting โ sa kabuuan, ito ang ika-16 na medalya ng bansa sa 100 taong laban sa patimpalak.
Loob lamang ng dalawang araw, nasali bilang pang-apat si Yulo sa listahan ng mga Pilipinong Olympian na nagkamit ng higit sa isang medalya โ pagkatapos ng manlalangoy na si Teofilo Ildefonso, weytliper Diaz, at boksingerang si Nesthy Petecio na kamakaylang nasigurado ang ikalawang pagtapak sa plataporma.
Ikinagagalak din ng Pilipinas ang medalyang tanso ng koponan ng Britanya na si Jake Jarman, na isang Pilipino, nagtala ang Briton ng iskor na 14.933 sa kategoryang floor exercise, habang isang talon nalang sana ang kailangan, pagkatapos makamit ng atleta ang ika-apat na pwesto sa aparatong vault.
Hindi pa pinal ang kalahatan ng mga gantimpalang matatanggap ni Yulo, ngunit ayon sa Daily Tribune, sa kanyang unang medalya, umabot na ng โฑ13 milyon ang matatanggap ng dyimnasta, hindi pa kabilang rito ang pabahay, kabuhayan, at habang-buhay na mga prihibeliyong makakamit ng atleta.
Inaasahang mas dadami pa ang makukuhang parangal ng dyimnasta pagkatapos ng makasaysayang ikalawang ginto.
Tinuldukan ni Yulo ang kanyang ekspedisyong 2024 Olympics, ngunit hindi rito nagtatapos ang pakikibaka at pakiki-agaw ng bansa sa nasabing patimpalak.
Nakapapanabik ang laban ng mga atletang Pinoy, inaanyayahan ang bawat Pilipinong paigtingin ang patuloy na suporta tungo sa mga kababayang nakikibaka sa Paris Games, ang patimpalak ay magtatapos sa ika-11 na araw ngayong buwan ng Agosto. ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐!
โ๏ธ: Nash Filomeno
๐จโ๐ป: ARTvey