05/01/2025
Iniwan ko na ang masasakit na alaala, ang gusto ko nalang ngayon ay maging masaya sa buong buhay ko, iiwasan ko ang mga taong akala ko ay totoo at mamuhay ng payapa kasama ang mga taong hindi ako iniwan sa panahong sukong suko na ako
Marami narin akong pinagdaanan sa buhay ko, pero nalampasan ko ang lahat, at wala na akong pakialam sa mga ibang tao na sakit lang ang dulot sa buhay ko
Paano ko nga ba nakayanan ang lahat ng ito? Paano ko nga ba nilalabanan ang lahat ng sakit na dulot niyo? Paano ko ba nalampasan ang mga masasakit na ginawa niyo? Simple lang dahil sa mga taong hindi ako iniwan sa panahon ng kagipitan ko at yun ang pamilya ko,
naalala ko nung bata pa ako, ang kaisa-isang kasiyahan ko ang mabilhan ako ng manika na tag 10 pesos, Binili yun ng papa ko at ang saya saya ko. kahit sa pag tulog gusto ko itong kasama, ginawan ko ito ng mga damit, iyon lang ang nag iisang kasiyahan ko, noon gusto ng lumaki dahil pakiramdam ko ang saya siguro ng buhay pag nasa 20's ka na, nakakaiinggit ang buhay nila hanggang sa lumaki ako naiwan ko ang mga bagay na nakasanayan ko tulad nga mga larong bahay-bahayan, taguan, chinesse at iba pa. naging matured ako, at nagka nobyo, ang sarap sa pakiramdam ang umiibig at iibigin. kala ko noon hindi ko mararanasan ang ganun, na nakikita ko lang sa mga drama. ang sarap pala sa pakiramdan ng ganon, hanggang sa nag asawa at nag ka anak.
Masaya ang buhay may asawa, kasama mo ang iyong minamahal at bubuo kayo ng pamilya pero sa simula lang masaya! dadating ang araw na magkaka problema kayo mararanasan niyo ang hirap ng buhay, mararanasan mong umiyak ng patago at mararanasan mo ring masaktan, sa simula masaya talaga ang buhay may asawa pero habang tumatagal nawawalan ka na ng gana sa lahat lalo na kung ang katuwang mo ay hindi ka man lang iniintindi at sa halip na intindihin ka niya ay mas lalo lang pinapalayo ka