31/10/2025
Mga Mamamahayag ng Tomas Lim Alcordo Sr. NHS, Nag-uwi ng Tagumpay sa DSPC!
Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ng Tomas Lim Alcordo Sr. National High School ang kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng campus journalism sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference (DSPC).
Sa kabila ng matinding kompetisyon, tatlong mag-aaral ng paaralan ang nag-uwi ng karangalan:
🖋️ Erica Jean Ngalo – Ikaapat na Gantimpala sa Pagsulat ng Editoryal Tagasanay: Saidamen Solutan
🖋️ Ricalou Caballero – Ikaapat na Gantimpala sa Pagsulat ng Kolum Tagasanay: Saidamen Solutan
🖋️ Rezel Dalucan – Ikalimang Gantimpala sa Pagwawasto ng Sipi at Paguulo ng Balita Tagasanay: Josie Lapaz
Ang kanilang tagumpay ay bunga ng tiyaga, determinasyon, at gabay ng kanilang mga tagasanay na walang sawang naglaan ng oras at kaalaman upang sila ay maihanda sa patimpalak.
Buong Tomas Lim Alcordo Sr. National High School ay lubos na ipinagmamalaki ang kanilang mga mag-aaral sa pagkamit ng mga karangalang ito. Ang inyong tagumpay ay patunay na sa sipag, tiyaga, at pananalig sa sarili, walang imposibleng makamit.
Mabuhay ang mga Tomasian Journalists!