16/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ข๐ค๐๐ฒ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ซ๐๐ง
Siguro nga, madali magbitaw ng mga salita ngunit mahirap ito gawin.
Hindi mahirap gawin ang isang bagay kung ito ay iyong gusto. Katulad ng simpleng paglilinis at pagtatanim, madali itong sabihin ngunit ilan sa mga kabataan sa panahon ngayon ay hindi ito kayang gawin. Noong Agosto 12, 2025, isinagawa ang isang "Serbisyo sa Komunidad" sa ating paaralan (CMIS-SR). Dahil dito, madaming natutunan ang mga mag-aaral ng ating paaralan. Hindi biro ang mga problema na kinahaharap natin, mabuti na mamulat tayo agad upang alam natin ang ating gagawin kung sakaling may delubyo tayong haharapin.
Naisagawa ito sa tulong ng Opisyal ng Rover Scout at ni Sir Ramon Delos Reyes. Ang programang ito ay isinagawa sa mga mag-aaral ng Senior High Scool (SHS) na ang mga strand ay (HumSS). Ang mga lalaking mag-aaral ay naatasan tumulong at magdala ng mga bagay katulad ng piko, pala at garden soil. Ang mga bagay na ito ay gagamitin upang pagandahin ang ating hardin. Ang mga babaeng mag-aaral naman ay naatasan maglinis ng koridor, cr at mga hagdanan, naatasan din sila magdala ng sabon, sako at scoba. Ang mga dinala ng bawat mag-aaral ay malaki ang maitutulong, hindi lamang sa pagpapaganda kundi sa paglilinis ng mga ito. Hindi madali maglinis at magtanim, ngunit kung ito ay pagtutulungan, ito ay matatapos nang mabilis at walang hirap. Ang mga ito ay makatutulong sa atin maging responsable, lalo na sa ating kapaligiran.
Sa araw-araw na pag-inog ng mundo, maraming lugar sa Malolos ang hindi pa rin alam kung papaano mag alaga ng kanilang kapaligiran, habang hindi pa huli ang oras, tulungan natin ang bawat isa. Tulungan natin maging maganda ang kapaligiran na ating kinamulatan. Hindi sapat ang pangako at matatamis na salita para maging maganda ang ating ginagalawan. Matuto tayong maging responsableโhindi puro hinaing at daing.
Marahil, hindi tayo kinamumuhian ng ating kapwaโkinamumuhian tayo ng ating Inang Bayan.
๐๐ซ๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐๐ข๐ง | ๐๐ก๐๐ข๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ง๐ ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ | ๐๐ฅ๐ฒ๐ฏ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ