Ace News TV

Ace News TV to give more infirmation to the people

Fernando, muling itinuon ang mata ng publiko sa P41 bilyong budget sa flood controlLUNGSOD NG MALOLOS - “Saan napunta an...
25/08/2026

Fernando, muling itinuon ang mata ng publiko sa P41 bilyong budget sa flood control

LUNGSOD NG MALOLOS - “Saan napunta ang P41 bilyong budget? Bakit lubog pa rin sa baha ang Bulacan?”

Hinikayat ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan ang publiko at mga mamamahayag na tumuon sa tunay na solusyon sa halip na online distractions, at hinamon ang mga awtoridad na iulat ang P41 bilyong nawawalang resulta ng flood-control.

“Iyan din ang tanong ko. Iyan ang tanong ng bawat Bulakenyong nabubuhay sa pangamba ng malawakang pagbaha sa tuwing sasapit ang ganitong panahon. Iyan ang tanong ng mga bayang nilalamon na ng high tide, ng mga magsasaka, mga manggagawang natanggal na sa trabaho sa dami ng absent, mga negosyante at mga komunidad na paulit-ulit na naaapektuhan ng palala nang palalang pagbaha sa Bulacan,” giit ng gobernador.

Sa ginanap na press conference sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center nitong ika- 25 ng Agosto, nanawagan ang gobernador ng sistematikong pagbabago, transparency, at agarang sagot para sa binahang mga komunidad sa lalawigan.

Sinabi niya na ang diskusyon ng publiko ay dapat umusad mula sa isang viral clip ng kanyang panayam kamakailan tungo sa mas mahalagang tanong kung saan napunta ang bilyun-bilyong pondo sa flood-control.

Nilinaw ni Fernando na nag-ugat ang kanyang tugon sa kawalan ng eksaktong datos na nakalap sa kanyang maikling panayam, sa halip na kawalan ng kamalayan o pag-aalala tungkol sa krisis ng pagbaha sa Bulacan.

“Ang pagsasabing ‘hindi ko alam’ sa isang tanong na nangangailangan ng eksaktong datos ay hindi nangangahulugang ‘wala akong alam o walang pakialam.’ Hindi rin ito patunay ng kapabayaan, pagiging iresponsableng pinuno, at lalong hindi ito maaaring gawing ebidensiya ng pagkakasangkot sa anumang anomalya,” pagdidiin niya.

Muling binanggit ng gobernador na ang naitalang P41 bilyon sa mga proyekto ng flood-control ay hindi sakop ng kontrol niya o ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, ngunit pinondohan, pinlano, kinontrata, at ipinatupad ng mga ahensya ng pamahalaang nasyunal.

Sa huli, muling pinagtibay ni Fernando ang kanyang paggalang sa papel ng mga mamamahayag sa pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan, at sinabing ang mga mamamahayag ay may karapatang magtanong ng mahihirap at hindi kumportableng mga tanong—at ang mga pampublikong opisyal naman ay may tungkuling harapin at sagutin ang mga ito—habang nananawagan para sa responsable at tamang pamamahayag na nagbibigay ng wastong bigat sa konteksto, ebidensya, at katotohanan.

“Public officials must be accountable, but, media must be accountable, too,” ani Fernando, habang binibigyang-diin na ang publiko ay nangangailangan ng pamamahayag na hindi lamang naghahanap ng isang viral moment kundi nagsisikap na.

via ACE CRUZ

25/08/2026
24/08/2026

DPWH SEC. DIZON AT CAB.SEC ABALOS PINUNTAHAN ANG BAYAN NG HAGONOY

HAGONOY, BULACAN. Personal na pinuntahan nina DPWH Sec. Vince Dizon at Cabinet Secretary Benhur Abalos kamakailan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos ang Bayan ng Hagonoy na sinamahan ni Mayor Ate Charo Sy Alvarado-Mendoza at Paombong kasama si Mayor Mac Marcos sa isinagawang pag-iikot sa mga kailugan para makita ang kalagayan at problema ng patuloy na pagbaha sa nasabing bayan para mabigyan ng konkretong hakbang sa agaran at pangmatagalang solusyon ng Pamahalaang Nasyonal.

Ayon kay Secretary Dizon ito umano ay isasama sa panukalang Nasyonal Budget sa taong 2027 para sa agarang flood mitigation at paglalagay ng mga d**e at pagsasara sa mga bukana upang maglagay ng floodgate with pumping station na naaayon sa lugar na pangangailangan at makonsidera ang mga sukat ng bangka na mga namamalakaya.

Ayon pa rin Sec. Dizon sa susunod na linggo ay magpapadala ang DPWH ng technical team upang magsagawa ng masusing inspeksyon at pagtatasa, at para makabuo ng komprehensibong plano para sa agarang solusyon sa dinaranas na pagbaha sa bayan ng hagonoy at mga kapit-bayan.

Panoorin ang pahayag nina Hagonoy Mayor Ate Charo Sy Alvarado-Mendoza, DPWH Sec. Vince Dizon at Cabinet Secretary Benhur Abalos

via ACE CRUZ

24/08/2026
Bulacan, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng malawakang pagbahaACE CRUZLUNGSOD NG MALOLOS – Bunsod ng malawakang ...
21/08/2026

Bulacan, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng malawakang pagbaha

ACE CRUZ

LUNGSOD NG MALOLOS – Bunsod ng malawakang pagbaha at pinsalang idinulot ng pinalakas na Habagat at ng mga bagyong Luis at Maymay, opisyal nang isinailalim sa State of Calamity ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang buong probinsya.

Inaprubahan ang deklarasyon na ito sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 708-T’2026 ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa idinaos na ispesyal na sesyon nitong Agosto 17 sa pamamagitan ng Zoom.

Ginawa ang deklarasyong ito matapos suriin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando, ang lawak ng baha, pinsala sa agrikultura at imprastraktura, at ang dami ng mga Bulakenyong naapektuhan ang kabuhayan dahil sa sama ng panahon.

Umabot na sa 6,980 pamilya o 23,334 indibidwal ang naapektuhan at lumikas sa iba't ibang lugar, kung saan 2,146 na pamilya o 7,263 katao ang nananatili sa mga evacuation center. Wala namang naiulat na masamang insidente batay sa huling monitoring nitong Agosto 19.

Bukod dito, ayon sa huling Situation Report No. 27 ng PDRRMC noong Agosto 20, alas-8:00 ng umaga, 11 sa 24 na lungsod at munisipalidad ng Bulacan ang nakararanas ng baha, na may lalim na aabot sa isa hanggang tatlong talampakan.

Nananatili sa Blue Alert status ang PDRRMO Operations Center para matiyak ang tuluy-tuloy na pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa mga local disaster response office sa buong lalawigan.

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, iniulat ng PDRRMC na ang lahat ng binabantayang lebel ng tubig ay nananatili sa ibaba ng alert at alarm thresholds. Nitong umaga ng Agosto 20, ang Angat Dam ay nasa 188.66 metro, ang Ipo Dam ay nasa 101.01 metro, at ang Bustos Dam ay nasa 16.10 metro.

Gayunpaman, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon, lalo na sa mga mabababang lugar na posibleng maapektuhan ng high tide na umabot sa 2.99 talampakan kaninang alas-2:41 ng madaling araw, Agosto 20.

Nananawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na manatiling alerto at sundin ang mga opisyal na abiso dahil nananatili sa heightened monitoring ang probinsya dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha.

“Hindi man natin kayang pigilan ang pagdating ng bagyo at malalakas na ulan, kaya nating maging handa, magtulungan at bumangon nang sama-sama. Ang bawat Bulakenyo ay mahalaga, at sa panahon ng pagsubok, mas dapat tayong magkaisa,” ani Fernando.

Tinitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga Bulakenyo na magpapatuloy ang pagbabantay at pagtugon habang ginagawa ang agarang pagbibigay ng tulong tungo sa mabilis na pagbangon ng mga komunidad na naapektuhan ng sama ng panahon.

SITWASYON NG BAYAN NG HAGONOY SA PAGHAGUPIT NG HABAGATHAGONOY, BULACAN. Patuloy ang pagmomonitor ng Pamahalaang Bayan ng...
16/08/2026

SITWASYON NG BAYAN NG HAGONOY SA PAGHAGUPIT NG HABAGAT

HAGONOY, BULACAN. Patuloy ang pagmomonitor ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy 24/7 katuwang ang mga tanggapan ng MDRRMO, MSWDO, PNP, mga Barangay at iba't - ibang concerned agencies, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Hagonoeño.

Narito ang tala nitong ika- 15 ng Agosto na kung saan ay 26 na barangay pa rin ang kasalukuyang baha, 36,120 ang apektadong pamilya, 19,914 affected individuals, 21 ang ginagamit na evacuation center, 334 na pamilya ang nasa evacuation center, at 983 ang evacuated individuals.

Patuloy pa rin pamamahagi ng tulong na Relief Goods at ibang pang pangangailangan ng mga mamamayan ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa pangunguna ni Mayor Ate Charo Sy Alvarado-Mendoza kasama ang mga Konsehal ng Bayan, MSWDO sa tulong ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

via ACE CRUZ
Source: MSWDO Page

15/08/2026

RELIEF OPERATION ISINAGAWA SA BAYAN NG HAGONOY

Hagonoy, Bulacan. PINANGUNAHAN nina Mayor Ate Charo Sy Alvarado-Mendoza kasama sina Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alex C. Castro, Konsehal ng Bayan, Bokal Michael Aquino at Mina Fermin, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO, at Hagonoy Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), PNP Hagonoy sa pangunguna ni PLTCOL Leonard M. Lim, Chief of Police ang pamamahagi ng Relief Goods sa iba't - ibang barangay sa bayan ng Hagonoy nitong ika- 15 ng Agosto.

Ang Barangay na isinagawa ang pamamahagi ng Relief Goods ang Barangay San Agustin, San Pedro, Abulalas, Iba, Pugad at Tibaguin kung saan ang bawat pamilya ay makakatanggap bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa gitna ng nararanasang kalamidad ng Bagyong Luis, Maymay, at Hanging Habagat na nagdulot ng pagbaha sa 26 na barangay ng nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Ate Charo, ang bawat tulong na inihahatid ng Pamahalaang Bayan ay mula sa pondo ng mga taxpayers, bilang mga lingkod bayan at tagapamahala ng bayan ay nagsisikap na humingi ng allocation at maging tagapagdala nito upang maihatid sa mga mamamayan ang tulong na kailangan nila.

Buong puso ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa pangunguna ni Mayor Ate Charo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa agarang tulong na ibinababa para sa mga mamamayan tulad ng Bayan ng Hagonoy.

via ACE CRUZ

BULACAN, GINUNITA ANG IKA- 448  ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAGLUNGSOD NG MALOLOS — Sa kabila ng makulimlim na kalangitan at...
14/08/2026

BULACAN, GINUNITA ANG IKA- 448 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa kabila ng makulimlim na kalangitan at masamang panahon, buong pagmamalaking ginunita ng makasaysayang Lalawigan ng Bulacan ang ika-448 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito ngayong araw sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, tampok ang halos limang siglo ng mayamang kasaysayan, makulay na kultura, ipinagmamalaking pamana, at hindi matitinag na diwa ng mga Bulakenyo.

Bitbit ang temang “Pagpupugay sa Ating Mayamang Kasaysayan, Pagtiyak sa Dakilang Kinabukasan ng Bulacan,” naging panauhing pandangal sa makabuluhang pagdiriwang si Department of Tourism–Region III Regional Director Dr. Richard G. Daenos, na mahusay na inihambing ang lalawigan sa isang mahalaga at walang-kupas na aklat na naglalaman ng 448 taong kasaysayan na binubuo ng mga pahinang mayamang naisulat at mga kabanatang naghihintay pang maitala.

“Kung ang ika-448 na Taon ng Pagkakatatag ng Bulacan ay kumakatawan sa lalim ng ating pinagmulan, ang Singkaban Festival naman ay kumakatawan sa patuloy na paglikha. Ang Singkaban ay isa sa mga paraan kung paano natin maisusulat ang matagumpay na pahina sapagkat ang isang bayan ay nabubuhay sa paraan kung paano patuloy na ginagamit, ipinagdiriwang at binibigyang kahulugan ng kasalukuyang henerasyon ang kanilang pamana,” ani Regional Director Daenos.

Lalo pang pinatingkad ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng araw na ito sa pagbibigay-diin na ang malalim na pamana ng Bulacan ay nagsisilbing walang-kupas na patotoo ng katatagan, tapang, at determinasyon ng mga Bulakenyo na patuloy na sumulong, habang nananatiling matatag ang kanilang pagkakaugat sa lokal na pagkakakilanlan.

“Mayroon tayong kasaysayan at pamana na dapat ipagmalaki at ipagpatuloy. Ngunit ang kasaysayan ay hindi lamang alaala. Ito ay pananagutan,” giit ni Fernando, kasabay ng panawagan na panatilihin ang balanse sa pagitan ng mabilis na modernisasyon at pangangalaga sa pamana habang tinatanggap ng lalawigan ang mga makabagong teknolohiya at malalaking proyektong pang-imprastraktura.

Nagdagdag naman ng malaking karangalan sa pagdiriwang ang pagkilala sa Bulacan Dreamers Philippines dahil sa kanilang kahanga-hangang pagkapanalo bilang 2nd Runner-Up sa 2026 Little League Senior Softball World Series sa Delaware, USA kung saan higit nilang pinagtibay ang kanilang katayuan bilang mga pandaigdig na kinatawan ng husay at galing ng mga Bulakenyo.

Naging hudyat rin ang pagdiriwang sa opisyal na pagbubukas ng pinakahihintay na Singkaban Festival—ang pangunahing pagtatampok sa sinining, kultura at mga tradisyon ng Bulacan kung saan pormal itong iprinisinta sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation na naglahad ng masigla at kapana-panabik na hanay ng mga programa at aktibidad sa buong selebrasyon.

Nag-ugat noong Agosto 15, 1578, ang paggunita sa Araw ng Pagkakatatag ng Bulacan ay patuloy na nagsisilbing marangal na paalala sa dakilang nakaraan ng lalawigan at sa isang kinabukasang hitik sa walang hanggang potensiyal.

via ACE CRUZ

TINGNAN: Ipinagkaloob nila Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang mga Sertipiko ng Pagpapahalaga sa B...
14/08/2026

TINGNAN: Ipinagkaloob nila Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang mga Sertipiko ng Pagpapahalaga sa Bulacan Dreamers Softball Team at kanilang mga coach, ngayong araw, kasabay ng komemorasyon ng Ika-448th Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Bulacan sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan, makaraang magwagi bilang 2nd Runner-Up sa 2026 Senior League Softball World Series sa Lower Sussex, Delaware, USA noong Agosto 10, 2026 (oras sa Pilipinas). Kasama rin sa larawan sina (itaas na hanay, mula sa kaliwa) Philippine National Police-Bulacan Police Provincial Office OIC PCOL. Jay B. Baybayan, mga Bokal Michael M. Aquino at (ikalima mula sa kaliwa) Romina D. Fermin, Bise Gob. Alexis C. Castro, Department of Tourism Region III Regional Director Dr. Richard G. Daenos, (ikalawang hanay) Benjamin B. Santos ng Provincial Youth, Sports and Development Office (PYSDO), (ikatlo mula sa kaliwa) Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, (ikaapat mula sa kanan) Department of the Interior and Local Government Region III Regional Director Myrvi Apostol-Fabia, (ikatlo mula sa kanan) PYSDO OIC Department Head Atty. Nikki Manuel S. Coronel, at mga Bokal Cezar L. Mendoza, at Fortunato SJ. Angeles.

via ACE CRUZ

Address

City Of Malolos
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ace News TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category