My Unica Mara Online Shoope's

My Unica Mara Online Shoope's Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from My Unica Mara Online Shoope's, Digital creator, Mamburao.

30/09/2023
17/09/2023

Napapaisip ako kung ano ba talagang pakiramdam ng may payapang puso. ‘Yun bang kalmado. ‘Yun bang hindi basta-basta naaapektuhan sa ingay ng mundo. ‘Yun bang madali lang kumalimot, tumanggap, magpatawad, magpaanod, sumabay, mabuhay.

Ni minsan, hindi ko pa yata naranasang hindi mag-alala. Laging may bagabag sa loob ko. Laging may kaba, nilalamon ako ng pagkabalisa. Pakiramdam ko, hindi ako ligtas, laging may parang bangin sa harap ko, isang tulak, isang pitik, mahuhulog ako.

Madalas nga, mahirap ipaliwanag. Hindi kasi ako sigurado kung mauunawaan ba ng iba. Na kahit sa simpleng salita—nadudurog ako. Sa mga hindi pamilyar na galaw, maaari akong matunaw. Hindi ako nasanay magkuwento, takot akong isipin nilang mahina ako.

At nitong mga nakaraang linggo, mas bumigat pa. Hindi ako pinapatulog ng maraming ideya—paano kung hanggang dito lang talaga ang kaya ko, kung hindi ako mahalin dahil mahirap akong intindihin, kung habambuhay bang magiging mailap sa'kin ang tagumpay.

Napapaisip ako kung ano ba talagang pakiramdam ng may payapang puso. Gusto ko sanang maranasan, kahit paminsan-minsan, kahit sa tuwing mairaraos ko lang ang isang laban.


Ron Canimo
roncanimoph
***
Ikaw Sa Bawat Araw ☀️
https://vt.tiktok.com/ZSLMMF21L/

17/09/2023
12/09/2023

May mga tao talaga na madali lang para sa kanila ang magbitaw ng salita.
Ang magbigay ng opinyon at manghusga.
Ang tingin na sila palagi ang tama—
Hindi na iniisip ang mararamdaman ng iba.

Akala kase nila ganoon lang kadali ang lahat,
Na pareho lang ang bigat na ating buhat.
Madalas nilang sabihing "para iyon lang"—
"Ako nga ganito, ganyan, ang hina mo naman".

Kung kaya't marahil may mga taong tulad mo na sinasarili na lang ang nararamdaman,
Ang gustuhin na lang na magsawalang-kibo,
Sapagkat kahit sabihin mo man ito nang paulit-ulit—
Hindi naman nila mauunawaan kung gaano kasakit.

Mas pipiliin mo na lang talaga ang manahimik,
Kaysa ipaliwanag sa kanila ang iyong panig.
Hindi sa pagod ka nang magsalita—
Kundi dahil wala ka namang mapapala.

Tatahimik ka na lang talaga—
Kapag nauunawaan mo na ang sitwasyon ng iba.

YT: https://www.youtube.com/
IG: https://instagram.com/_tintalata_?igshid=ZGUzMzM3NWJiOQ==

Address

Mamburao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when My Unica Mara Online Shoope's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share