Andrea Alim

Andrea Alim The official page of
Hon. Kagawad Andrea "Andeng" Alim

| Public Servant

Today, we honor both our departed loved ones and our heroes — their memory and sacrifice live on in our hearts ❤️ May ou...
01/11/2025

Today, we honor both our departed loved ones and our heroes — their memory and sacrifice live on in our hearts ❤️ May our prayers bring peace to their souls and inspire us to live with the same love and courage they have shown 🙏


 : Araw ng pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw. As we visit cemeteries this weekend, tandaan natin ang ilan...
31/10/2025

: Araw ng pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw. As we visit cemeteries this weekend, tandaan natin ang ilang paalala para maging maayos at ligtas ang pagdiriwang ng Undas.


Tayo po ay tumugon sa kahilingan at agad nagpadala ng electric fan para sa ating mga Bantay Bayan sa C4 Base Outpost upa...
30/10/2025

Tayo po ay tumugon sa kahilingan at agad nagpadala ng electric fan para sa ating mga Bantay Bayan sa C4 Base Outpost upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pagbabantay at mapagaan ang kanilang kalagayan habang naglilingkod sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang serbisyo sa ating barangay 💜


𝟏-𝐃𝐚𝐲 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐨𝐧 “𝐋𝐞𝐚𝐝: 𝐋𝐞𝐠𝐢𝐬𝐥𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐄𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞, 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭-𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞” 🗣💬📚Tayo po ay...
21/10/2025

𝟏-𝐃𝐚𝐲 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐨𝐧 “𝐋𝐞𝐚𝐝: 𝐋𝐞𝐠𝐢𝐬𝐥𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐄𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞, 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭-𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞” 🗣💬📚

Tayo po ay dumalo sa seminar na ito upang mas mapalalim ang ating kaalaman sa mabuting pamamahala at epektibong paggawa ng batas sa barangay.💡

Sa seminar na ito, aming na-accomplish ang mga sumusunod:
✅ Naunawaan ang kahalagahan ng barangay legislation at ang disiplina na inaasahan sa Sangguniang Barangay
✅ Naipahusay ang kakayahan ng Sangguniang Barangay sa pagbuo ng makabuluhan, makatao, at naaayon sa batas na mga ordinansa at resolusyon
✅ Naipatugma ang mga programa at batas ng barangay upang mas makatugon sa pangangailangan ng mamamayan at isulong ang mabuting pamamahala

Thank you, Mandaluyong City Barangay Affairs and Community Services Department headed by Atty. Che-che Pablo-Santos for this informative Seminar!

Araw-araw patuloy po tayong nagsusumikap para maibigay ang epektibong serbisyo sa ating mga nasasakupan — mula sa puso, at sa abot ng aking makakaya 💜

Photo credits to Boc Citybarangayaffairs


 #𝐀𝐀𝐢𝐧𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐍𝐞𝐛𝐮𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫, 𝐁𝐏 𝐊𝐢𝐭 & 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐁𝐥𝐨𝐜𝐤 𝟒𝟏 🍲🩺Kahapon po, kasama si Konsehal Junis Alim at...
20/10/2025

#𝐀𝐀𝐢𝐧𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐍𝐞𝐛𝐮𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫, 𝐁𝐏 𝐊𝐢𝐭 & 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐁𝐥𝐨𝐜𝐤 𝟒𝟏 🍲🩺

Kahapon po, kasama si Konsehal Junis Alim at katuwang ang Blk 41 Lupang Pangarap Neighborhood Association, tayo po ay naghatid ng Nebulizer Kit, BP Kit, stethoscope, almusal, at nangamusta sa ating mga ka-barangay sa Blk 41, Half Court.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap! 💜 Lubos na pasasalamat kina Pres. Connie Jasa-Quiton, mga officers, Ate Racquel Espiritu, Zumbalicious members, and staff of Konsehal Junis Alim 🙏

Pabugso-bugso man ang ulan, patuloy tayong aagapay para sa mas malusog, masaya, at mas matatag na Addition Hills! 💪

Ngayong darating na linggo sa Block 41, magkakaroon po tayo ng Feeding Program at Turnover ng Nebulizer & BP Kit sa Lupa...
17/10/2025

Ngayong darating na linggo sa Block 41, magkakaroon po tayo ng Feeding Program at Turnover ng Nebulizer & BP Kit sa Lupang Pangarap, Blk 41, sponsored by Konsehal Junis Alim.

Layunin natin na maghatid ng tulong at ngiti sa ating mga kabarangay. Kitakits po tayo para sa isang makabuluhang araw ng pagmamalasakit! 🍲💜



Sa sunod-sunod na lindol na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, paalala po sa lahat na laging maging handa. Maha...
13/10/2025

Sa sunod-sunod na lindol na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, paalala po sa lahat na laging maging handa. Mahalaga na may nakahandang Go Bag sa bawat tahanan na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan.

Hindi natin alam kung kailan darating ang sakuna, pero maaari tayong maging handa.
Kasabay ng ating paghahanda, ipagdasal din natin ang kaligtasan ng bawat isa.



12/10/2025

📣 MAHALAGANG ANUNSYO

Suspendido na po ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Mandaluyong sa Oct. 13–14, 2025 (Mon–Tue) dahil sa pagtaas ng flu cases at sunod-sunod na lindol sa bawat parte ng bansa.

Magpapatupad ng synchronous o asynchronous classes sa mga araw na ito.

Ingat po Mandaleño!


Panibagong biyaya ng pag-asa ang ating natanggap para sa ating mga Fire Victims mula sa Ciara Marie Abalos Foundation! 💞...
02/10/2025

Panibagong biyaya ng pag-asa ang ating natanggap para sa ating mga Fire Victims mula sa Ciara Marie Abalos Foundation! 💞

Lubos po ang ating pasasalamat kay Councilor Charisse Marie Abalos-Vargas ang President ng Ciara Foundation, kay Mayor Menchie Abalos, at sa buong Abalos Family sa walang sawang pag-abot ng tulong sa ating mga ka-barangay.

Ang Ciara foundation ay nagkaloob ng 100 pcs hollow blocks, 30 bags of sand and 10 bags of Cement sa bawat home owners na naapektuhan ng sunog.

Taos-puso rin po akong nagpapasalamat on behalf of A-BUILDERS (ALIM) Hardware & Construction Supplies, na kami ay bahagi ng pag-asang ito. Ito ay patunay na sa kabila ng anumang pagsubok, nananatiling buhay ang diwa ng malasakit at pagtutulungan 💜


𝐒𝐭𝐨.𝐍𝐢𝐧̃𝐨 𝐁𝐥𝐨𝐜𝐤 𝟑𝟗 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐃𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓 🏡🥳Tayo po ay naimbitahan at nakadalo upang maghatid ng kasiy...
01/10/2025

𝐒𝐭𝐨.𝐍𝐢𝐧̃𝐨 𝐁𝐥𝐨𝐜𝐤 𝟑𝟗 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐃𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓 🏡🥳

Tayo po ay naimbitahan at nakadalo upang maghatid ng kasiyahan sa naganap na Family Day ng ating mga munting bata sa Sto. Niño Blk 39 Day Care.

Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at pag-imbita, Pres. Mary Joy Gonzales at sa mga opisyal ng Daycare Parents Committee, kay Teacher Andy Tabugos, Daycare Aide Ferlie Pace, Emcee Joe Salazar at sa lahat ng magulang na buong puso ring nakibahagi 🙏

Nawa’y magpatuloy ang ganitong mga programa na nagbibigay tuwa, pagkakaisa, at inspirasyon hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya at sa buong komunidad 💜


 #𝐀𝐀𝐢𝐧𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐍𝐞𝐛𝐮𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫 𝐊𝐢𝐭 & 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐁𝐥𝐤 𝟑𝟖 Kaninang umaga, Kasama si Konsehal Junis Alim at kat...
28/09/2025

#𝐀𝐀𝐢𝐧𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐍𝐞𝐛𝐮𝐥𝐢𝐳𝐞𝐫 𝐊𝐢𝐭 & 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐁𝐥𝐤 𝟑𝟖

Kaninang umaga, Kasama si Konsehal Junis Alim at katuwang ang Mega Block 38, tayo po ay naghatid ng Nebulizer Kit, almusal at nangamusta sa ating mga ka-barangay sa Blk 38, Half Court.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap! Maraming Salamat, Pres. Eva Molino, Officers, Members and Staff of Konsehal Junis Alim 🙏

Patuloy tayong magtutulungan para sa mas malusog, masaya at mas matatag na Addition Hills 💜


📣  SUSPENDIDO na ang CLASSES sa LAHAT NG ANTAS sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa lungsod bukas SETYEMBRE 26, 20...
25/09/2025

📣

SUSPENDIDO na ang CLASSES sa LAHAT NG ANTAS sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa lungsod bukas SETYEMBRE 26, 2025 (Biyernes) dahil sa inaasahang mantinding pag-ulan dulot ng bagyong .

Mag-ingat po tayong lahat! ☔️

MAHALAGANG ANUNSYO

PASOK

SUSPENDIDO na ang CLASSES sa LAHAT NG ANTAS sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa lungsod sa SETYEMBRE 26, 2025 (Biyernes) dahil sa inaasahang mantinding pag-ulan dulot ng bagyong .

Pinag-iingat ang lahat.

Address

Barangay Addition Hills
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Andrea Alim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Andrea Alim:

Share