
04/08/2025
Mali po ang mag park sa no parking area. Pero mali din po na ganyan ang gawin sa sasakyan. Pwede kang makasuhan ng Malicious Mischief (Article 327, Revised Penal Code) at yan po ay Criminal Case. Samantalang ang no parking ay isang administrative penalty lang. Anong pwede mong gawin kung nag park sa tapat ng bahay mo at sa no parking area?
1. Kunan ng litrato o video
I-document ang sitwasyon: plate number, oras, petsa, at mismong "No Parking" signage (kung meron).
Mas mabuting may timestamp o kasama sa CCTV kung available.
2. Tumawag sa barangay o traffic enforcer
Kung may barangay tanod o local enforcer sa lugar, sila ang unang dapat tawagan para ma-blotter ang violation.
Kung nasa lungsod ka (e.g. Iloilo City), tawagin ang City Traffic Management Office o Public Safety Office.
3. Magpa-blotter sa barangay
Pumunta sa barangay hall para magkaroon ng official record ng insidente.
Lalo na kung paulit-ulit ginagawa ang paglabag.
4. Tawagin ang towing team / city traffic office
Kung may official na "No Parking" zone ang lugar mo, maaaring ipatawag ang towing unit ng LGU para mahatak ang sasakyan.
Tandaan: only authorized towing teams can legally tow vehicles.
5. Magreklamo sa LTO / LGU kung paulit-ulit ang driver
Pwede ka ring magsampa ng kung regular siyang lumalabag sa traffic rules.
Ipakita ang ebidensya.
Sa gumawa nian sa sasakyan, mas kawawa ka kapag nagkataon.
CCTO