Alagad ng Midya HHIS

Alagad ng Midya HHIS Misyon ang dekalibreng impormasyon. Ang opisyal na kapisanan sa pamahayagang pangkampus ng Highway Hills Integrated School.

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Sinariwa ng pamayanan ng Highway Hills Integrated School (HHIS) ang ika-64 taong pagkakatatag ng paaralan sa pa...
28/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Sinariwa ng pamayanan ng Highway Hills Integrated School (HHIS) ang ika-64 taong pagkakatatag ng paaralan sa pamamagitan ng makulay na selebrasyong dinaluhan ng mga opisyal, g**o, mag-aaral, at magulang.

Sa temang "R.O.A.D to 64: Recognizing Our Achievements and Dedication," isinagawa ang iba't ibang gawain kabilang ang pagbibigay-pugay kay Ong Ai Gui mula sa kaniyang pagbabahagi ng kaniyang lupa para sa pagpapatayo ng paaralan.

Tampok sa selebrasyon ang pagbabalik ng field demonstration na nilahukan ng lahat ng baitang mula Kindergarten hanggang Senior High School.

Bukod pa rito, nagtayo rin ng booths sa paligid ng paaralan na pinangunahan ng iba't ibang organisasyon ng HHIS.

— Maria Alliona Atara, 7-SPJ
📸 Jerome Tarrosa & Lianne Hope Biron

𝘔𝘢𝘢𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢-𝘢𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘔𝘪𝘥𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘍𝘰𝘶𝘯𝘥𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘋𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘯𝘬 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰:
https://drive.google.com/drive/folders/11sDhxanH5lzlJqaSYKnatErSf8_VudKM?usp=sharing

27/08/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Narito ang video performance ng Senior High School sa kanilang field demonstration bilang pagdiriwang sa ika-64 Pagkakatatag ng Highway Hills Integrated School (HHIS) 🪩

𝘠𝘰𝘶𝘛𝘶𝘣𝘦 𝘓𝘪𝘯𝘬:
https://youtu.be/Ve29795f8aQ?si=3x8N3flQUCZBSfFw

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗬Kumasa ang dalawang babaeng mag-aaral ng Highway Hills Integrated School (HHIS) sa ...
27/08/2025

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗬

Kumasa ang dalawang babaeng mag-aaral ng Highway Hills Integrated School (HHIS) sa wedding booth ng Senior High School Department sa pagdiriwang ng ika-64 pagkakatatag ng paaralan. Isa ang wedding booth sa higit sampung puwesto mula sa iba't ibang baitang sa Highway Hills na nagmistulang 'fundraising drive' ng mga organisasyon.

📸 Maria Alliona Atara, 7-SPJ



𝘔𝘢𝘢𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢-𝘢𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘔𝘪𝘥𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘍𝘰𝘶𝘯𝘥𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘋𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘯𝘬 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰:
https://drive.google.com/drive/folders/11sDhxanH5lzlJqaSYKnatErSf8_VudKM?usp=sharing

27/08/2025

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Ang buong field demonstration performance ng mga piling mag-aaral ng Junior High School sa pagdiriwang ng 64th Founding Anniversary ng Highway Hills Integrated School 🎉

𝘠𝘰𝘶𝘛𝘶𝘣𝘦 𝘓𝘪𝘯𝘬:
https://youtu.be/QTV72YRhWqI?si=t_VBpfYbVaGmY9fS

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗞𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗛𝗛𝗜𝗦 𝗖𝗝𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴Isinagawa ng Alagad ng Midya ang kauna-unahang lea...
26/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗞𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗛𝗛𝗜𝗦 𝗖𝗝𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴

Isinagawa ng Alagad ng Midya ang kauna-unahang leadership training ng kapisanan upang mahasa ang kakayahang mamuno ng mga lider ng Special Program in Journalism (SPJ).

Sinubok at hinasa ang pangunguna ng 30 piling mag-aaral ng SPJ mula elementarya at sekondarya sa programang LENTE (Leading the Eye of the Nation Through Empowerment): The 2025 Alagad ng Midya Officers Media and Leadership Training na ginanap noong Agosto 25 sa HHIS Conference Room.

Tampok sa programa ang leadership talk ni Bb. Joann Quinto, Labor and Employment Officer II ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa ilalim Department of Labor and Employment (DOLE).

Binigyang-diin ni Bb. Quinto na integridad at pananagutan ang tatak ng tunay na lider-mamamahayag.

Pinangunahan naman ni G. Eugene Carnaje, lead adviser ng Alagad ng Midya, ang media training na ipinaliwanag ang importansiya ng press freedom, tamang posisyon sa editorial staff, social media management, at mga programang ilulunsad pa ng organisasyon.

Aktibo ring lumahok ang mga kabataang mamamahayag sa iba't ibang larong sumubok sa kanilang kakayahang mamuno kabilang na ang sound safari, silent lineup, at minefield.

— Renald Pineda & Jerome Tarrosa, 9-SPJ
📸 Akiko Caraan & Abegail Barba

25/08/2025

JUST IN:

Sinuspinde ng DILG ang klase sa buong Metro Manila BUKAS, Agosto 26, 2025, kabilang ang Lungsod ng Mandaluyong.

Noong Agosto 24, 1961 sa tulong ng Chinese philantropist na si Ong Ai Gui, binuksan sa publiko ang isang paaralan na may...
24/08/2025

Noong Agosto 24, 1961 sa tulong ng Chinese philantropist na si Ong Ai Gui, binuksan sa publiko ang isang paaralan na may limang klasrum at isang playgroup sa gitna ng mga nagtataasang damo sa isang burol sa Lungsod ng Mandaluyong—ang Highway Hills Elementary School (HHIS).

Tumulong sa pagpapatayo ng paaralan ang dating kapitan ng Brgy. Highway Hills na si G. Roman De Los Santos at unang pangulo ng GPTA na si G. Pablo Santiago.

Matapos ang 64 taon, ang elementarya ay naging integrated school at kasalukuyang inaasahan ng higit 2,500 mag-aaral para sa makalidad na edukasyon.

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Sinig**o ni Gng. Arlene Cagalawan, resident nurse ng Highway Hills Integrated School (HHIS), na ligtas at epekt...
24/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Sinig**o ni Gng. Arlene Cagalawan, resident nurse ng Highway Hills Integrated School (HHIS), na ligtas at epektibo ang mga bakunang libreng ihahandog ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa darating na Bakuna Eskwela 2025.

Sa ginanap na Parent Orientation on School-Based Immunization Program noong Agosto 22, hinikayat ni Gng. Cagalawan ang mga magulang na i-avail ang libreng bakunang dumaan sa masusing pag-aaral ng Department of Health (DOH).

“Hindi naman tayo bibigyan ng bakuna na alanganin tayo. We assure you na safe ang bakuna natin dahil ito ay nanggaling sa ina ng Lungsod ng Mandaluyong,” pahayag ni Gng. Cagalawan.

“Walang inang gustong mapahamak ang anak,” dagdag pa niya.

Makatatanggap ang mga mag-aaral sa Baitang 1 at 7 ng mga bakunang lalaban sa apat na sakit: Measles, Rubella, Tetanus, at Diptheria (MRTD).

Ayon jay Gng. Cagalawan, aabotpp sa higit P4,000 ang bakuna ng mga ito sa health centers kaya’t mapalad ang mga mag-aaral sa inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan.

𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗥𝗘𝗛𝗘𝗡𝗦𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗣𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗝𝗥. 🗣️Para sa grammar crash course 101 sa Filipino, narito ang PARTS OF SPEECH sa ...
23/08/2025

𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗥𝗘𝗛𝗘𝗡𝗦𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗣𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗝𝗥. 🗣️

Para sa grammar crash course 101 sa Filipino, narito ang PARTS OF SPEECH sa Filipino o Bahagi ng Pananalita na sana'y hindi natin malimutan sa sarili nating wika 💬💭

𝗪𝗜𝗞𝗔𝗽𝗲𝗱𝗶𝗮 𝘁𝗶𝗺𝗲! ⏰Baka kami pa ang maging dahilan kung bakit kayo magkakaroon ng extra quiz sa inyong Filipino teacher 😔P...
21/08/2025

𝗪𝗜𝗞𝗔𝗽𝗲𝗱𝗶𝗮 𝘁𝗶𝗺𝗲! ⏰

Baka kami pa ang maging dahilan kung bakit kayo magkakaroon ng extra quiz sa inyong Filipino teacher 😔

Pero ang good news? At least, alam niyo na ang 𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗦 𝗢𝗙 𝗦𝗣𝗘𝗘𝗖𝗛 𝗼 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 sa Wikang Filipino!

𝗢𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗽𝗲𝗱𝗶𝗮! ⏰Kaya para sa mga nagsusulat ng mga lathalain at sanaysay tungkol sa wika na isinusulat ang k...
20/08/2025

𝗢𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗽𝗲𝗱𝗶𝗮! ⏰

Kaya para sa mga nagsusulat ng mga lathalain at sanaysay tungkol sa wika na isinusulat ang katagang ito na diumano'y mula sa panulat ni Rizal, oras na para itigil ito 😣

Kinumpirma ng historyador na si Ambeth Ocampo at dating tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Virgilio Almario na hindi ang walong taong-gulang na si Jose Rizal ang nagsabi ng katagang "Ang 'di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" mula sa sikat na tulang Sa Aking mga Kabata.

Diumano, sina Herminigildo Cruz at Gabriel Beato Francisco ang mga sinasabing posibleng awtor ng tula.

Marami rin kasing ebidensya na hindi ang batang si Rizal ang nagsulat nito. Walang pangalan ni Rizal ang nakita sa manuskrito ng tula. Wala rin sa talaarawan ng kaniyang kaibigang si Raselis. Lalong hindi pa ginagamit ang letrang “k” noong taong 1869.

Sa kabila ng mga ito, patuloy pa rin nating pagyamanin ang kasabihang ito na umukit na sa kasaysayan at pagmamahal natin sa wika at panitikan.

Padayon, Filipino! 🇵🇭

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Opisyal nang kinilala si Carl Adrian Garcia, mag-aaral ng Highway Hills Integrated School (HHIS), bilang miyemb...
17/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Opisyal nang kinilala si Carl Adrian Garcia, mag-aaral ng Highway Hills Integrated School (HHIS), bilang miyembro ng pinakabagong P-pop boy group na Sct:One (Section One) mula sa PH Entertainment.

Tinupad ni Garcia ang kaniyang pangarap na makilala sa larangan ng musika at sayaw matapos siyang pumirma ng kontrata noong Agosto 16 sa Viva Cafe sa Quezon City.

Si Garcia ay mag-aaral ng 10-SPJ Baron na tinapos ang ikasiyam na baitang na may With High Honors distinction at kamakailan ay nakamit ang unang puwesto sa Essay Writing Contest sa 2025 Nutrition Month celebration.

Ayon sa visual at main vocal ng Sct:One, inspirasyon niyang ipakita sa lahat ng tao ang kaniyang talento sa malawak na entablado na kaniyang pangarap simula noong bata pa siya.

"Palaging maniwala sa sarili dahil walang maniniwala sa ‘yo kung ikaw mismo ay walang tiwala sa sarili mo,” ani Carl sa exclusive interview ng 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗗𝗬𝗔,

"They would be inspired because I was just someone who was posting covers in social media platforms and is now part of a p-pop group,” dagdag pa ni Carl.

Sabi pa niya, mahirap mang pagsabayin ang pag-aaral at training, sinisikap niyang walang mapababayaan sa dalawang bagay na mahalalaga sa kaniya.

Dagdag pa Carl, hindi siya makapaniwala na natupad ang pangarap niya dahil lumaki siyang self-taught lamang at natuto dahil sa panonood ng mga online tutorial.

Sa kasalukuyan, naghahanda na ang kaniyang grupo para sa kanilang debut single, music video, at mall shows.

— Paul De Leon, 10-SPJ

Address

Calbayog St., Brgy. Highway Hills
Mandaluyong

Telephone

+639606206100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alagad ng Midya HHIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Alagad ng Midya HHIS:

Share

Category