04/06/2026
๐๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ง: ๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐จ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ฅ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฌ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐๐ฅ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ญ๐ซ๐จ
โSa tuwing tataas ang telon, isang makulay at madamdaming mundo ang bumubukas para sa mga manonood. Ngunit sa likod ng mga palakpakan, nagniningning na ilaw, at madudulang pagganap, may mga kuwento ng sakripisyo at purong talento na bihirang makita ng mga manonood. Sa pagtatampok ng dokumentaryong โSa Likod ng Telonโ ng PTV Public EYE, masusing kinilala ang sining ng teatro sa pamamagitan ng isa sa mga pambihirang kalahok at aktor ng theater festival na si Jose Rafael Yasis o kilala sa kaniyang stage name na Dion. Dito ibinahagi ni Yasis ang kaniyang makulay na paglalakbayโmula sa kaniyang mga unang hakbang sa pag-arte, ang mga hamon sa likod ng entablado, hanggang sa mga pangarap na patuloy niyang binibigyang-buhay sa bawat karakter na kaniyang ginagampanan.
โ
โAyon kay Yasis, hindi biro ang pasukin ang mundo ng sining at pagtatanghal. Ang kaniyang hilig sa pag-arte ay nagsimula lamang bilang isang simpleng interes na kalaunan ay naging isang ganap na pasyon. Sa pamamagitan ng puspusang pag-eensayo, pag-unawa sa iba't ibang emosyon, at pag-internalize sa buhay ng mga karakter, unti-unti niyang binuo ang kaniyang sariling estilo sa pag-arteโisang husay na labis ngayon na kinagigiliwan at hinahangaan ng mga manonood sa festival.
โ
โGaya ng sinumang alagad ng sining, hindi nakaligtas si Yasis sa mga bitag at hirap ng industriya. Binigyang-diin niya na hindi madaling pagsabayin ang responsibilidad sa akademiko, pagiging lider-estudyante, at aktor sa entablado. Isa ang mga matinding pagod, emosyonal na burnout, at ang pressure na gampanan nang perpekto ang isang karakter ang ilan sa mga pinakamalaking pagsubok na kaniyang kinakaharap bago humarap sa madla. Gayunpaman, hindi siya sumuko, ginagawa niya itong motibasyon upang mas mapatalas pa ang kaniyang sining sa pagganap.
โ"Ang pinakamahalaga ay ang patuloy na matuto at huwag matakot sumubok ng mga bagong papel o karakter," wika niya. Dagdag pa rito, ang suporta ng kaniyang pamilya, kaibigan, mga kasamahan sa Umalohokan, at ng komunidad ng teatro ang nagsisilbing lakas niya upang patuloy na tumayo sa ilalim ng mga ilaw sa tanghalan.
โSa pagwawakas ng panayam sa dokumentaryo, nag-iwan si Yasis ng isang makabuluhang mensahe para sa mga kabataang nagnanais ding pumasok sa larangan ng pag-arte at teatro. Ipinaalala niya na ang tunay na mahika ng pagtatanghal ay wala sa ganda ng kasuotan o rangya ng entablado. Ang mas mahalaga ay ang dedikasyon, pagiging totoo sa emosyon (authenticity), at ang kuwentong nais mong iparating sa puso ng mga manonood.
โSa patuloy na pag-usbong at pagbuhay sa sining ng teatro, tiyak na mas marami pang kapana-panabik na pagganap at obra ang aasahan ng publiko mula kay Yasisโisang patunay na ang talento ng Pilipinong aktor, kapag hinaluan ng sipag at puso, ay tunay na nagniningning sa bawat pagbaba at pagtaas ng telon.
๐จ: John Lexter Tenefrancia I Cartoonist
๐๐๐ ๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐๐ข๐ง: John Frankie V. Mascarinas I Patnugot sa Lathalain
Source: PTV Public Eye