14/12/2025
"Alamat ng Scatter"
Noong unang panahon, bago pa sumikat ang online games at bago pa maubos ang load ng alas-dos ng madaling-araw, may isang maliit na baryo na ang pangalan ay Barangay Jackpot. Tahimik ang lugar hanggang sa dumating ang isang misteryosong nilalang na tinawag nilang Scatter.
Ang Scatter ay hindi hayop, hindi rin multo. Isa itong mahiwagang simbolo na kayang magpakita sa anumang oras lalo na kapag last β±50 na lang ang balance mo. Kapag lumitaw daw ang Scatter, may pangakong kayamanan: βIsang ikot pa, mananalo ka na!β
Maraming taga-barangay ang naniwala. Si Mang Tino, na dapat bibili ng bigas, ay napabili ng isang spin pa. Si Aling Nena, na pang-tuition sana ng anak ang pera, ay napa-auto spin. Pati ang kapitan ng barangay, napuyat kakahintay sa tatlong Scatter na sabay-sabay lalabas.
Isang gabi, lumitaw sa panaginip ng bunso sa baryo ang diwata ng katinuan si Diwatang Log-out. Sinabi niya,
βAng Scatter ay hindi masama, pero mapanlinlang. Hindi lahat ng kumikislap ay biyaya.β
Kinabukasan, ikinalat ng bata ang babala. Ang ilan ay tumigil, ang ibaβy nagbingi-bingihan. Ngunit may isang aral na naiwan sa Barangay Jackpot:
Minsan, mas malaking jackpot ang natitira sa bulsa kaysa sa napapanalunan sa screen.
At mula noon, tuwing may nagsasabing,
βLast spin na talaga,β
napapangiti na lang ang mga matatanda at sinasagot,
βGanyan din ang sabi ng Scatter.β