27/05/2026
Not everyone will choose kindness anymore…
But don’t let this world change the goodness God placed inside you.
In a generation full of pretending, being genuine is rare. Stay humble. Stay faithful. 🙏
2 Timoteo 3:1–2
“Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Ang mga tao’y magiging makasarili, maibigin sa salapi, mayayabang…”
Hindi mo ba napapansin?
Parang habang tumatagal, mas nagiging normal yung pagiging malamig ng tao.
Mas madali nang manghusga kaysa umintindi. Mas madali nang magpanggap kaysa maging totoo.
At minsan, parang mas pinapahalagahan na ng mundo yung status kaysa character.
People are slowly losing sincerity.
Kaya nakakapagod din minsan makisabay. Nakakapagod manatiling mabuti sa mundong parang unti-unting nawawalan ng empathy.
At minsan mapapatanong ka rin,
“May sense pa bang maging genuine?”
Pero hindi porket madilim yung paligid,
kailangan mo na ring mawalan ng liwanag. Hindi dahil maraming gumagawa ng mali, ibig sabihin tama na rin itong sundan. May mga tao pa ring pinipiling maging mabait kahit hindi uso.
May mga pusong marunong pa ring umintindi kahit puro selfishness na yung nakikita nila.
And maybe that matters more today than ever. Kasi sa mundong maraming nagpapanggap, sobrang rare na ng taong totoo, humble, at may takot sa Diyos. Baka kaya kailangan pa ring may mga taong pinipiling manatiling mabuti kahit hindi yun ang ginagawa ng karamihan.