
29/08/2025
𝐒𝐂𝐎𝐎𝐏: 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨: 𝐓𝐚𝐥𝐢 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐌𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐥𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐈𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧
✒️Angelica Mae P. Tirante
𝗚𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟴 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝘁𝗲𝗺𝗮𝗻𝗴 “𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮: 𝗠𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝘀𝗮,” 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗗𝗮𝗴𝘂𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗸𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮.
Ang programa ay pinangunahan nina G. Leander Solomon at Bb. Patricia Mae Concepcion bilang mga tagapagpadaloy ng buong selebrasyon.
Bilang panimulang bahagi, nagsagawa ng picture taking kasama si Dr. Romae De Asis at ang mga kinatawan at mga g**o mula sa iba’t ibang departamento—COTE, Criminology, CBAT. COM, at High School. Eksaktong alas–8:58 ng umaga, binigyang-buhay ng Glee Club ang pag-awit ng Lupang Hinirang at sinundan ng taimtim na panalangin na nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa.
Pagkatapos nito, nagbigay ng nakapagpupugay na pambungad na pananalita si Gng. Erlie Quirimit, g**o ng Filipino, na nagpaalala sa kahalagahan ng patuloy na paggamit, pagpapaunlad, at pagpapahalaga sa ating sariling wika. Ipinakilala rin ang mga naging hurado ng patimpalak—sina G. Richard A. Reyes, G. Jay Evangelista, at Bb. Marivic Vespiras—na nagsilbing gabay sa pagbibigay ng patas at makabuluhang hatol sa mga kalahok.
Nagbigay kasiglahan sa gitna ng programa ang intermisyon mula sa Dance Club at Glee Club, bago isinagawa ang pormal na pagbibigay ng sertipiko ng pasasalamat sa mga hurado. Kaakibat nito ay ang pagpapakilala sa mga Dean’s Listers para sa ikalawang semestre ng taong akademiko 2024-2025, na nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na nagsusumikap sa kani-kanilang larangan.
Isa sa mga pinakahinintay ng lahat ay ang pagkilala sa mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak. Sa kategoryang Sanaysay, itinanghal na kampeon si Jezibel Bautista mula sa Criminology. Sa Pinta-Husay, namukod-tangi ang obra ni Shania Janelle Prestoza ng COTE. Sa Balagtasan, ipinamalas ang talino at husay sa pagtula nina Bb. Erica Janna Igros, G. Norman Velasco, at Bb. Robelyn De Vera ng COTE. Sa larangan naman ng Dagliang Talumpati, si Elaine Batister ng CBAT.COM ang nanguna sa pagbibigay ng makahulugang talumpati. Nag-ukit din ng pangalan sina Aldrin Velasquez at Rosa Mia Barte ng COTE matapos magwagi sa kategoryang Harana. At sa huli, kinilala ang COTE bilang panalo sa Sabayang Pagbigkas matapos ipamalas ang sabayang lakas ng tinig at damdamin sa kanilang pagtatanghal.
Sa kabuuan, ang buong pagdiriwang ay nagsilbing paalala na ang Filipino at mga katutubong wika ay hindi lamang paraan ng pakikipagtalastasan, kundi buhay na sagisag ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakaisa bilang isang bansa. Mula sa masiglang pag-awit, makabayang pagbigkas, malikhaing sining, at makabuluhang paligsahan, tunay na naipadama ng bawat kalahok na ang ating sariling wika ay dapat ipagmalaki at ipagpatuloy na payabungin.
📸Photos by: Gerlie Lambino, Annika Nano, Maria Christina Lambino, Danielleanne Caoile, and Chrystal Mae Dizon
✒️Documentators: Angel Mae Patingo